Paglabas ni Krynn ng BEC ay agad siyang naglakad papunta sa terminal. Gustuhin man niya ay hindi siya pwede magdala ng kotse dahil mahahalata siya. Grabe ang pagod niya at ang sakit ng likod at balakang niya. Sanay naman siya sa paperworks dahil na-train din siya noong nagtrabaho sa HR before. Pero ibang klase ang maging EA ng isang Yled Gabrielle Benavidez. Nakakaubos ng energy! Buti sana kung nag-eenjoy siya sa pagkaubos ng lakas niya. Haha! Naalala nanaman niya kung gaano kalakas ang epekto ni Yled sa kanya kapag nagkakalapit sila. Nagalit kaya ito noong hindi siya sumabay? Hmp! Hayaan na nga siya! Mahirap na baka mabisto pa siya. Napahinto siya ng may maramdamang kakaiba sa paligid niya. Alerto siya at nakikiramdam habang dahan-dahang naglalakad sa madilim na bahagi na iyon ng kalsada

