TUMIRIK sa gitna ng maputik na daanan ang motorsiklo ni Nexus kaya napilitan silang bumaba ni Divina. Bumaon din ang gulong niyon sa putik at dahil may kalaliman ang pagbaon ay hindi iyon matulak-tulak ni Nexus. "Itulak mo sa likod habang susubukan ko naman paandarin," utos ni Nexus kay Divina. "Ano? Ako? Itutulak ko 'tong bulok mong motorsiklo? Hindi mo ba nakikita ang ayos ko ngayon? Puro putik na nga ako tapos gagawin mo pang taga tulak!" reklamo ni Divina na hindi sumang-ayon sa sinabi ni Nexus. Sa ingay ng boses ng babae ay napatakip sa tenga si Nexus. "Kung hindi mo ako tutulungan gagabihin tayo rito sa daan. Ikaw rin, marami pa namang aswang dito." Pananakot ni Nexus kay Divina. Nakitaan ni Nexus ng takot ang itsura ng dalaga kaya naman kaagad itong tumalima sa iniutos niya. "

