UMAGA pa lamang ay tila mas mabigat na ang hangin sa lungsod. Hindi pa tuluyang nagsisimula ang opisyal na imbestigasyon ng regulatory board, ngunit ramdam na ng merkado ang tensiyon. Ang stock tickers ay pabago-bago. Ang media ay tila naghihintay ng susunod na pagkakamali.
Sa lobby ng Villarreal Holdings, mas maraming camera kaysa karaniwan.
At sa loob ng isang sasakyan na tinted ang bintana, tahimik na nakaupo si Caden.
“Sir,” maingat na sabi ni Rafael mula sa harap. “The Regulatory Commission has confirmed the preliminary hearing this afternoon.” Tumango lang si Caden. “Good. We go early.”
Sa kabilang bahagi ng lungsod, nakatayo si Jane sa harap ng salamin sa kanyang opisina sa Argent Global.
Hindi siya nakasuot ng ivory ngayon. Nasa kanya ang isang charcoal suit mas istrikto, mas hindi approachable.
Mas handa para sa digmaan. Tumunog ang telepono niya.
“Jane,” bungad ni Alejandro. “The complaint is stronger than we expected.”
“On what grounds?” malamig niyang tanong.
“Conflict of interest. Alleged concealment of material relationship.”
Saglit siyang napapikit. Hindi na ito simpleng corporate sabotage.
Ito ay personalan na.
Ang gusali ng Regulatory Commission ay puno ng reporters. Ilaw. Mikropono. Mga matang nag-aabang ng iskandalo.
Pagpasok ni Jane, kasabay ng legal team, naramdaman niya ang mga matang sumusukat sa kanya. Hindi bilang CEO. Kundi bilang dating asawa ni Caden. Makalipas ang ilang minuto, dumating si Caden.
Walang pagngiti. Walang dramatic na pagtingin. Propesyonal. Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga mata, ay biglang nagkaroon ng tahimik na pag-unawa. We stand together.
Sa loob ng hearing room, seryoso ang mga miyembro ng board.
Ang presiding commissioner ay nagsalita.
“This preliminary inquiry concerns the alleged undisclosed personal relationship between Mr. Caden Villarreal and Ms. Jane Almazar that may compromise the integrity of the alliance between Villarreal Holdings and Argent Global.” Diretsahang mga salita na tila sumuntok sa kailaliman ng kanilang pagkatao.
Kaya hindi agad nakapag-salita si Jane.
Si Caden ang unang tumayo.
“Our prior marriage was publicly documented,” mahinahon niyang sabi. “It was dissolved five years ago. There is no legal conflict that prohibits this partnership.” Matatag na pahayag nito sa gitna ng medya.
“Yet,” sabat ng isang board member, “your former relationship may influence decision-making.” Sa pagkakataon na iyon Jane stood na may tapang.
“Our projections, valuation, and due diligence reports were reviewed by independent auditors,” malinaw ang boses niya. “This alliance stands on data not sentiment.”
Kaya may bulungan sa silid na naganap. “Then how do you explain,” dagdag ng isa pang miyembro, “why internal risk files were accessed using shared authorization protocols?”
Nagkatinginan sila ni Caden. Dahil iyon na ang bitag.
“Because,” sagot ni Caden, “our integration portal was designed for efficiency. The breach is under forensic review.”
“And,” dugtong ni Jane, “we are prepared to submit full access logs.”
Tumahimik muli ang silid. Ngunit hindi pa tapos. Isang board member ang sumandal sa kanyang upuan habang nakipag titigan sa kanila.
“There are also allegations that a minor may be involved.” Kaya parang biglang nawalan ng hangin ang silid.
Hindi iyon legal issue. Hindi iyon bahagi ng corporate filing.
Isa iyong pagsalakay.
Nanlamig ang kamay ni Jane, ngunit hindi nagbago ang mukha niya.
Then Caden’s jaw tightened dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ng taong iyon.
“We object to that line of questioning,” mariing sabi ng kanilang abogado bago pa makasagot ang tila galit ng si Caden.
The commissioner nodded. “Sustained. Stick to material relevance.”
Ngunit tapos na ang pinsala. Dahil naitanim na ang binhi. Sa media Frenzy.
Paglabas nila, tila mas agresibo ang mga reporter. “Is it true you share a child?”
“Did you hide this to protect your stock value?”
“Was the alliance a strategic reunion?”
Mga tanong na walang sumagot habang nakaayos ang security. Ngunit bago tuluyang makasakay si Jane sa sasakyan, may isang tanong na tumagos sa kanyang puso.
“Ms. Almazar, are you protecting your son from his father?” kaya saglit siyang natigilan.
Pero hindi na niya hinanap ang reporter at itinikom na lang ang kanyang bibig. Hindi rin niya hinanap si Caden. Ngunit naramdaman niya ang presensya nito sa kanyang likuran.
At sa unang pagkakataon, hindi siya sumagot dahil sa PR.
Hindi siya sumagot dahil sa takot.
Hindi siya sumagot dahil alam niyang kapag nagsalita siya, hindi na iyon magiging laban sa negosyo.
Magiging laban iyon para sa anak niya.
KINAGABIHAN, kumalat ang isang artikulo. Isang lumang larawan nila ni Caden, nakangiti, mas bata, mas masaya. May caption pang:
“Rekindled Romance Behind Billion-Peso Alliance?”
At sa ibaba, may mga spekulasyon, timeline at date. At ang ikalawang larawan naman ay isang larawan ng bata na kuha mula sa condo lobby kung saan sila nakatira ng kanyang anak, blurred man ngunit malinaw ang konteksto. Kaya tinawagan agad ni Alejandro si Jane.
“They’re building a narrative.”
Sa kabilang linya naman, si Rafael kay Caden.
“Sir, the competitor’s PR arm is amplifying the story.”
At sa loob ng opisina, mariing ibinaba ni Caden ang tablet.
“They crossed the line.” Nagtatagis na saad niya.
Nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Jane. Kaya agad niyang sinagot agad.
“Security footage leaked,” maikli nitong sabi ngunit may diin ang boses nito.
“I know.” Sagot naman ni Caden.
“Hindi na ito tungkol sa alliance.” Sabay na sabi nilang dalawa.
“No,” ngunit dinugtungan agad iyon ni Caden sa mababang boses. “It’s about him.” Tumahimik sa kabilang linya.
“We need to issue a statement,” sabi naman ni Jane.
“No.” Napahinto siya. “Caden?”
“We do not dignify this with panic. We respond strategically.”
“Strategically?” Bahagyang tumaas ang boses niya. “They photographed my child.”
“Our child.”
Tumigil ang mundo sa pagitan nila.
Hindi niya agad itinama ang sinabi nito. Hindi rin niya inamin. Ngunit hindi niya rin tinanggihan.
Caden closed his eyes briefly.
“They want us defensive,” dagdag nito. “We go offensive.”
Kinabukasan, sabay nag anunsyo ang Villarreal Holdings at Argent Global ang isang independent forensic audit.
Hindi sa press conference. Hindi rin emotional defense. Kundi Data at Legal action. At kasabay nito, isang cease and desist order laban sa publication na naglabas ng larawan ng bata.
Tahimik. Direkta. Walang drama.
Ngunit sa likod ng mga dokumento, may mas personal na desisyon.
Sa condo, kinausap ni Jane ang yaya.
“No more photos near the lobby. Security clearance only.” Maya-maya’y tumunog ang doorbell.
Pagbukas niya, naroon si Caden.
Walang suit jacket. Walang entourage.
“May na kausap na akong investigator,” sabi nito. “The leak traces back to a PR subcontractor linked to the competitor.” Saad nito.
“Can we prove intent?” tanong niya.
“Yes.” Tahimik at nagkatitigan sila.
“Jane,” mas mahina ang boses nito ngayon.
“I will not let them use him.” Turan nito. Hindi iyon deklarasyon bilang CEO. Hindi ito estratehiya.
Ito ay paninindigan ng isang ama.
“Why now?” hindi niya napigilan ang sarili.
“Because I didn’t before.”
Mabigat ang pag-amin na saad ni Caden.
Sa sala, narinig ang boses ng bata.
“Mama?”
Agad silang lumingon.
Ngunit bago pa siya makalakad, naroon na si Caden sa tabi niya.
Hindi sila nag-uunahan. Hindi rin nagtutulakan. Kundi magkatabi at magaang kinausap ang bata.
KINAGABIHAN, may emergency meeting ang board ng Villarreal Holdings.
“Sir,” sabi ng isang director, “this controversy may affect investor confidence.”
“Then we reassure them,” sagot ni Caden.
“Or,” maingat na dagdag ng isa pa, “you recuse yourself temporarily.”
Tumahimik ang silid. Recuse. Umatras.
Para sa kompanya? Para sa reputasyon? Kaya saglit siyang nag-isip. At sa loob ng isip niya, hindi ang stock chart ang nakikita niya.
Kundi ang bata na nakahiga sa kama.
Ang paraan ng pagtawag nito ng “Mama.”
At ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na parang may tanong na hindi pa naitatanong sa kanya.
“No,” matatag niyang sagot. “I built this company. I will not step aside because a competitor weaponized my past.” Natahimik ang mga direktor.
“And if this escalates?” tanong ng chairman.
“Then we escalate better.” Determine and surely.
Hatinggabi nang bumalik siya sa condo ni Jane. Hindi na siya nag-doorbell. Dahil pinagbuksan agad siya ni Jane.
Tahimik. Pagod. Ngunit hindi galit ang bumungad sa kanya.
“The board?” tanong nito?
“They suggested I step back.” Mahinang sagot niya.
“And?” Dugtong pa nito.
“I declined.” Saglit siyang tumingin dito.
“You’re choosing the fight.” Titig na titig na tanong nito sa kanya.
“I’m choosing both.” Hindi nito agad naintindihan. Hanggang lumapit ito.
Hindi para hawakan siya.
Kundi para tumayo sa harap niya.
“I will not lose my company,” sabi ni Caden. “But I will not lose him either.”
Kaya natahimik ang kalooban ni Jane.
Sa loob ng kuwarto, marahang paghinga ng bata ang maririnig nila.
“Jane,” mas mahina ngayon. “They can question my ethics. My leadership. My past. But they do not get to question whether I will protect my family.” mahabang saad niya habang may lungkot sa mga mata nito.
Family. Hindi iyon aksidente.
Hindi rin iyon estratehiya. Dahil ito ay desisyon niya na matagal niyang pinag isipan.
Limang taon may galit. Limang taong pagdadala mag-isa. At ngayon, may lalaking handang harapin ang publiko para sa isang batang hindi pa niya legal na inaamin ay hindi niya alam ang gagawin.
“Hindi kita kailangan,” mahina niyang sabi.
“I know.” Si Caden.
“Pero hindi ko na kayang mag-isa.” Pagod ang nakikita niya sa babaeng kaisa-isa niyang minahal. Nguni hindi siya lumapit. Hindi rin niya niyakap.
Ngunit sa pagitan nila, may pader na unti-unting nabibitak.
Habang sa labas, patuloy ang ingay ng media. Sa industriya, patuloy ang digmaan. Ngunit sa loob ng condo na iyon, may bagong linya na iginuhit.
At kapag sinubukan ulit ng mundo na tawirin iyon. Hindi na isa ang lalaban.
Kundi sila ng dalawa.
SA loob ng condo ay tahimik ang gabi. Nakatulog na rin ang bata. Habang ang lungsod sa labas ay tila pagod na rin sa ingay ng balita at espekulasyon. Nakatayo si Jane sa may bintana, habang yakap ang sarili. Nag iisip ng malalim at sa limang taon niyang pinaniwala ang sarili na tama ang ginawa niya. Na kailangan niyang umalis noon. Na kailangan niyang masaktan para may mailigtas.
Sa likod niya, naroon si Caden. Tahimik na naka-upo sa sofa. Hindi na ito nagpipilit magsalita. Ramdam nitong may mabigat na dinadala ang babae ngayong gabi.
“Jane,” maingat nitong tawag.
Hindi agad siya lumingon.
“Akala mo ba hindi ko naaalala?” mahina niyang sabi, dahil kailangan na niyang mailabas ang kinikimkim niya sa halos limang taon mula ng siya ay bumalik dito sa Maynila.
“What do you mean?” tanong ni Caden.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki.
“That night.” Umpisa niya at huminga ng malalim. At bumalik ang alaala niya limang taon na ang nakakaraan.
Hindi bilang flashback na malabo, kundi malinaw. Masakit. Buo bago nawasak ng maling akala.
ITUTULOY