"Hindi sasama ang bata kay Maliyah unless may isa siyang nakikitang nakagabay sa kanya," patuloy ni Luke. "Puwedeng dumalaw si Maliyah dito anumang oras para makasama ang anak niya," sagot ni Braxton na ikinatahimik ng lahat. Nakaupo ang bata sa kandungan ni Braxton, nangangahulugan na ito ang pinaka-close ng bata sa dalawa. Bagama't parati din nitong tinitingna si Nova. "Pag-uusapan namin ng asawa ko kung paano ang magiging arrangement sa pagdalaw namin kay Brantley." Hindi niya gustong magkaroon ng agam-agam si Luke sa pagpunta niya sa bahay ni Braxton. At kung siya ang masusunod ay hindi niya gusto. Si Brantley lang talaga ang inaalala niya ngayon. Hindi nila pwedeng biglain ang bata at ipilit ang papel niya sa buhay nito. "Kailan puwedeng kausapin ang abogado niyo?" tanong ni Nova

