Magkasama sina Braxton at Nova nang ihatid nila si Brantley sa bahay ng mga Lucero sa unang pagkakataon. Dala nito ang isang maletang malaki at ilang laruan na paborito nito. Nakaakbay si Luke kay Maliyah habang nakatayo sa front door. Nang bumaba si Brantley sa kotse ay si agad siyang sumalubong sa anak. "Oh, baby... I miss you..." Hindi sila nagkita ng anak kahapon dahil kailangan niyang bumawi kay Luke na dumami ang trabaho dahil namalagi sa clinic ng isang linggo. Pinag-usapan din nila ng mga doktor ang kalagayan ni Nova. Sa hapon ay um-attend siya ng klase dahil um-absent na siya noong isang araw. Pero ngayon ay dito na titira ang anak niya ng limang araw sa isang linggo. Walang mapagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. "Miss you." Yumakap din ang munti nitong braso sa leeg niya. "

