Chapter 2

1730 Words
Ay ang swerte mo naman!" bulalas ni Josephine nang bumalik ako sa production area para kuhanin ang bag ko. "Isang linggo ka pa lang dito pero na-promote ka kaagad!" "Siguro ipinakiusap ni Lola," katwiran ko naman. "Isang taon na lang magtatapos na rin naman ako ng kursong Business Management." "Uy, baka naman pag nagkasalubong tayo sa canteen hindi ka na mamansin ah!" nakatawa nitong wika. "Hindi naman ako gano'n. Syempre ikaw pa rin ang unang naging kaibigan ko dito. Isa pa, magkasama naman tayo sa boarding house." Si Josephine pa lang ang nakaka-close ko sa lahat ng trabahador doon sa loob ng isang linggo. Hindi rin naman kasi ako palabati sa ibang hindi ko pa naman labis na kilala. Mayro'n mang lumalapit sa akin, puro naman kalalakihan na hindi ko pa gustong bigyan ng pansin. Hindi naman ako lumuwas para maghanap ng boyfriend o magpaligaw. "Mamaya bababa din ako para sumabay sa 'yo kumain. Nakakahiya naman kung sasabay ako sa mga empleyado doon. Wala pa naman akong kilala sa opisina," wika ko nang magpaalam kay Josephine. "Baka ibang oras ang breaktime niyo, pero basta puntahan mo na lang ako kung sakali. Lalaanan na lang kita ng bakanteng upuan sa canteen." Matapos magpaalam pati sa supervisor namin sa QA department ay bumalik na ako sa kabilang building. Sinalubong ako ng isang empleyado at sinabing pinapatawag ako ulit ni Sir Felix sa opisina na nito. Kung magara ang silid ni Sir Braxton kanina, de hamak na mas malaki at magara ang silid ni Sir Felix. May malaking screen pa nakadikit sa wall pero ang palabas ay tungkol naman sa foreign exchange at lahat ng may kinalaman sa negosyo. "Miss Dimayuga..." "S-Sir Felix... Ipinatawag niyo raw ho ako?" tanong ko habang kinakabahan pa rin. Hindi ako sanay na nakakaharap ito dahil hindi ko naman sila madalas nakakasalamuha dati sa Bukidnon. Itinuturing itong mataas na tao dahil sa antas ng kanilang pamumuhay. Isa ang mga Desiderio sa mayayamang angkan sa bayan ng Bukidnon. "I believed you are living in a boarding house far from here," awtorisado nitong wika. Puro puti na ang buhok nito dahil nasa edad sisenta na rin at ang alam ko ay nasa ibang bansa ang asawa nito. Si Braxton sa pagkakaalam ko ay nasa trenta anyos naman. "Oho. Kasama ko ho ang ibang empleyado sa pabrika." "You cannot live with them anymore because you will be working with Braxton. Makikita mo ang mahahalagang impormasyon dito sa kumpanya na hindi dapat nalalaman ng iba." "Hindi naman ho ako --" "Lilipat ka ng tirahan," putol nito sa ikakatwiran ko sana. "Wala pa ho akong pambayad sa upa dahil hahanapan ho ako ng downpayment." May kinuha ito sa drawer pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang card. May arrow ito sa gilid at may logo kung ano ang pangalan ng condo. "I will send you the address. The condo is not far away from here. Malaki 'yan at may dalawang silid. Ipagkakatiwala ko sa 'yo ang condo dahil dati ka ring tauhan ng hacienda at sabi ng mayordoma doon, masipag ka at maaasahan sa maraming bagay." "S-sa condo ho ako uuwi?" gulat kong tanong habang hawak ang isang card na kasinlaki ng atm. Ito na ba ang ginagamit na pambukas ng pinto ngayon? "Yes. That's free, but in return, you will clean the unit everyday before you come to work. Are we clear?" Marahan akong tumango. Napanatag ako nang mabanggit nitong tumawag ito sa mayordoma sa hacienda para magtanong tungkol sa akin. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ako ni Sir Felix ngayon. "S-salamat ho..." Marahan lang itong tumango bago umupo sa malambot nitong executive chair. "Maraming trabaho si Braxton. Ngayong araw ay tutulungan ka ni Edcel para maituro na rin ang kailangan mong gawin. You have to be attentive and smart. You will only be trained for today but you are on your own tomorrow." Mabilis naman akong tumayo at magalang na nagpaalam. Paglabas ko ay muntik pa akong maligaw kung saan ang opisina ni Sir Braxton. Kung bakit naman kasi sarado ang lahat ng pinto, ni wala man lang akong mapagtanungan. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na ang ibang empleyado na nakaupo sa kanya-kanyang cubicle. Lahat at abala. Sa wakas ay natanaw ko ang pinto ng opisina ni Sir Braxton na nasa dulo ng pasilyo. 'Bakit ba kasi north to south ang opisina ng mag-ama na 'to' bulong ko sa sarili. Kinausap ko ang isang babae doon at hinanap si Edcel na siyang magtuturo ng trabaho ko ngayong araw. "Ikaw ba ang bagong sekretarya? Ayun si Edcel, yung naka-pula." Itinuro nito ang babaeng palakad-lakad at may kinakausap na mga empleyado. May edad na ito at mukha ring istrikto. Pero ngumiti naman ito nang makita siya kaya't napanatag ako. "Ikaw si Maliah?" "Ako nga po," nahihiya kong sagot. "Halika, dadalhin kita sa magiging opisina mo." "May opisina ako?" "Of course. Assistant ka ng boss, marami kang trabaho at marami kang hawak na files kaya't dapat lang na may opisina ka." Dinala ako ni Edcel sa isang maliit na opisina na salamin ang pinto. Karugtong daw iyon ng opisina ni Sir Braxton. May laptop, telepono, at maraming filing cabinet. Tambak din sa papeles ang table na marahil ay hindi nagagalaw nang ilang araw na. "Dito ka magtatrabaho. Nakikita mo ang lahat ng filing cabinets na 'yan? Nand'yan ang mahahalagang papeles ng kumpanya: mga kontrata sa suppliers, customers, at kung ano ano pa." Lahat ng dini-discuss ni Edcel ay pilit kong isinasaksak sa utak. Napakarami nga pala talagang trabaho. Hindi ko naitanong kung magkano ang sahod ko. Pero okay lang. Libre na rin naman ako sa titirhan. Nang iwanan ako ni Edcel ay para akong natulala sa dami ng tambak sa mesa doon. Ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nagulat pa ako nang tumunog ang telepono sa mesa. Tinuruan naman ako ni Edcel sa tamang pagsagot. Pero kinakabahan pa rin ako kaya't hindi ko nasagot kaagad. "Answer that damn telephone, Edcel!" ani Braxton nang bumukas ang frosted glass door sa kaliwang bahagi ng silid. Nagulat rin ito nang makitang ako ang naroon at hindi na si Edcel. "S-sasagutin ko na ho..." Tumitig muna ito sa akin bago muling isinara ang pinto nang pabagsak. Iniangat ko ang telepono at magalang na sumagot. "I need to speak with Brax." Tinig ng malambing na babae ang nasa kabilang linya. Kabilin-bilinan ni Edcel kanina na huwag kong ita-transfer ang tawag kapag walang approval ni Braxton. "May I know who's on the line, ma'am?" Mabuti na lang dahil pinag-aralan ko ang tamang pakikipag-usap dati pa. Pangarap ko kasi talaga ang makapagtrabaho sa isang opisina tulad ng ganito. "Nova." "I-check ko ho muna kung nasa opisina si sir," magalang kong sagot. Pumasok ako sa opisina ni Braxton gamit ang pinto kung saan ito bumungad kanina. Walang tao roon. May isa pang pinto kung saan ang main door ng opisina nito. Naisip ko na baka lumabas ito nang hindi ko namalayan. Pabalik na ako sa opisina ko nang nagsalita ang baritonong boses mula sa likod ko. "What do you need?" Napalingon ako at pilit na ngumiti kahit nangatog ang tuhod dahil sa kaba. Lumakad ako palapit sa mesa nito. Napaawang pa ang labi ko nang makitang nakatanggal ang mga butones ng polo nito at ang necktie ay nakasabit sa leeg. Galing ito sa CR. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin dahil wala itong pakialam na sa harap ko pa nagsusuksok ng polo sa loob ng pantalon nito. "Does my father pay you to stand in front of me?" "M-may tawag ho kayo sa telepono..." "Who?" "N-Nova raw ho..." Dumaan ito sa harap ko para abutin ang telepono. Nakabukas pa rin ang polo nito na hindi ko alam kung sadyang iniwan nang ganoon. Para akong nakakita ng modelo sa isang centerfold magazine. At hindi ko lang nakikita ang mga mabalahibo nitong dibdib, naamoy ko rin ang balat nito sa humahalimuyak na pabangong panlalaki. Nakakapantiklop ng tuhod, sa totoo lang. "You may go now, Miss Dimayuga." Tila napahiya naman ako sa sinabi nito kaya't nagmadali akong naglakad palabas. Pag-upo ko sa mesa ay para akong nanghina. Napagtanto ko na kanina ko pa niya napipigil ang hininga ko mula nang pumasok ako sa opisina ni Braxton. Kahit nag-aayos na ako ng mga papeles sa mesa para ilagay sa filing cabinet, itsura pa rin ni Braxton ang nasa balintataw ko. Maamo ang mukha nito kahit masungit at laging seryoso. Mahaba ang eyelashes nito at pailalim kung tumingin. Ang swerte siguro ng napangasawa nito. Sa dami ng trabaho ay hindi ko namalayaan ang oras. Ala una na yata ako nakapag tanghalian at isang sandwich lang ang kinain ko dahil wala na rin naman akong kasabay sa canteen kung hindi si Edcel na nagda-diet naman. Gumaya na lang ako sa order nito na sandwich at orange juice. "Swerte mo dahil na-hire ka dito kahit undergrad ka," wika nito habang ngumunguya. "Kaya mo naman ba ang trabaho?" "Mukhang okay naman," sagot ko. "Medyo masungit lang si Sir Braxton ano?" "Naku, masanay ka na sa kanya. Laging mainit ang ulo no'n lalo na kapag nagtatalo silang mag-ama. Huwag mo na lang pansinin kahit minsan sa 'yo mabubunton ang inis niya." "Sayang naman, laging galit. Ang gwapo pa naman." "Naku, 'yan ang huwag mong pangarapin dahil hindi nagkakagusto 'yan sa mga empleyado. Mababa ang turing nila sa 'tin kahit pa may mga tinapos naman tayong kurso." "Totoo? Wala bang naging girlfriend si Sir Braxton dito?" tanong ko naman. Marami akong nakikitang maganda sa opisina. Ang iba ay sosyal pang manamit at kumilos. Kung sa Bukidnon lang ay pag-aagawan tiyak ang mga ito ng kalalakihan. "Naku, wala. Never 'yang nagkagusto kahit noon. At saka may girlfriend yata 'yan eh. Ewan ko ba. Wala kaming alam na impormasyon sa mga 'yan dahil bihira naman makihalubilo sa amin. Hindi naman namin masasabing matapobre kasi malaki naman sila magpasahod." "Baka gusto lang talaga nila ng pribadong buhay. Mabait naman sina Doña Soledad sa Bukidnon," pagtatanggol ko naman sa mga Desiderio. "Oo, pero huwag mahuhulog ang loob mo d'yan kay Sir kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Ayaw ni Sir Felix ng nagkakaroon ng relasyon kahit sino dito sa loob ng pabrika niya." Marahan akong tumango habang inuubos ang sandwich. Pangarap lang naman talaga ang mahalin ng isang Braxton Desiderio. Hindi ko rin naman gugustuhing maging boyfriend ang isang lalaking masungit at laging galit kung makipag-usap kahit pa ga'no pa ito kagwapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD