"May biyahe ako sa China para sa pakikipag-usap namin sa mga suppliers ng yarns. Gusto mo bang bigyan kita ng makakasama?" tanong ni Braxton nang magpaalam ito sa kanya isang umaga. Anim na buwan na ang nasa sinapupunan niya ngayon. Hindi na siya nagtatrabaho sa kumpanya pero patuloy pa rin ang relasyon nila ni Braxton. Ibinibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Hindi rin nagbago ni katiting ang pag-aasikaso nito. Gusto niyang isipin na mahal talaga siya ng kasintahan. Gayunpaman ay nananatiling lihim ang sitwasyon nila dahil tiyak daw na tututol ang ama nito kapag nalaman na may relasyon sila. Hinihintay lang ni Braxton na tuluyang makapag-invest ang mga Ramos sa Desiderio Fabrics Inc. bago ito tuluyang makipagkalas kay Nova. Sa ngayon ay kailangan muna daw niyang magtiis. "Ila

