"Umamin ka nga sa 'kin, nagseselos ka ba kapag kasama ko si Braxton o nagkikita kami?" tanong niya kay Luke habang nakayakap siya sa hubad pa nitong katawan. "Hindi naman maiiwasan 'yun." Hindi lantaran ang pag-amin nito. "Bakit? Nagkukulang ba ako ng pagpapakita ng pagmamahal sa 'yo?" "Syempre hindi... Naiisip ko lang, hindi mo ba hinahangad na mabuo kayong muli ng ama ng anak mo? Na maibibigay mo kay Brantley ang buong pamilya na hangad ng sinumang anak?" "Luke... Wala akong hinahangad ngayon kung hindi ang makasama ka habangbuhay. Tapos na ang sa amin ni Braxton. Si Nova ang babaeng nararapat sa kanya noon pa man. Kung noon ko pa nalaman ang tungkol kay Nova, hindi mahuhulog ang loob ko kay Braxton at hindi nila mapagsasamantalahan ang kahinaan ko. Kahit kailan ay hindi ko hinangad

