Azelf Paunti-unti kong minulat ang mga ko mata nang magising ako. Agad akong binati ng ilaw na nagmumula sa bumbilyang nakakabit sa kisame. Nakalimutan ko pa lang I-off ang light switch bago ako matulog kagabi. Parehong naliliwanagan ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana at ng ilaw sa uluhan ko, napangiti na lang ako sa nangyari habang natutulog ako. Akala ko totoo na ang naganap na pagmamahalan sa pagitan namin ni Martin. Grabe ang pagkasabik ko na mahawakan ulit siya, kahit na sa pagtulog ko ay nandoroon pa rin. Iyon nga lang, nakapanghihinayang, ang akala kong totoo kanina ay panaginip lang pala. Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone na nakatago sa ilalim ng unan at binalak na tawagan si Greg Cabernet. Matapos ang ginawa kong inside

