Lexter's POV Dahil sa sinabi ni Rumir, palakad-lakad ako dito sa harap ng lamesa ko, kung tama ba na puntahan ko ngayon si Shasha para personal na makausap siya. Tumitingin ako sa relo ko at iniisip ang sinabi ni Rumir, na iwan ko raw ang ego at pride ko kung sakaling pupunta ako doon sa La Acosta. Hindi ko ba alam, oo, hindi ko pa naririnig ang palinawag ni Shasha pero sa tuwing naalala ko na magkahawak ang kamay nilang dalawa ay parang kahapon lang nangyari ang bagay na 'yon! Naglakad uli ako ng pabalik-balik, nang biglang pumasok -- ang babaeng pupuntahan ko sana sa La Acosta. ''H-hi,'' pilit na ngiting sambit niya hawak ang isang malaking paper bag. Napaupo ako sa swivel chair at pilit pinakalma ang sarili. Hindi muna ako nagsalita. Pumunta siya sa harap ng lamesa ko at ipinato

