Lexter's POV Inis akong pumasok sa sasakyan at pinunasan muli ng tissue ang aking kanang balikat. Ilang minuto pa akong nagpahinga muna sa labis na pagkadismaya, hanggang sa nakita ko ang babaeng waitress na si Genevieve. Mula sa kitchen door ng bar ay doon tinapon ang mga gamit niya, mukhang sinesante na nga siya kaagad ng manager ng club. Mula sa malayo ay kitang kita ko ang pagmamakaawa niya sa manager habang tahasang umiiyak. Gusto ko, gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero paano ko naman 'yon magagawa ngayon kung naghahari ang galit sa puso ko? Pumasok na muli ang manager at hindi na siya pinapasok. Kaya ang ginawa niya, pinulot na lang niya ang kaniyang nagkalat na gamit sa daan at napilitan nang maglakad papalayo sa bar. Napatingin siya sa bahaging kalsada kung nasaan ako. Hea

