CHAPTER 97 "Bumili ako ng banana que at inumin saka gamot mo para mainom mo. Sigurado na hindi ka pa magaling. "Mahinang wika ni Hanz kay Breigh. Hindi naman maiwasan ni Breigh na titigan muna ang mukha ni Castiel na nasa harapan niya bago siya magsalita. “Salamat.”Tipid na sagot ni Breigh. “Kumain ka na para makainom ka na ng gamot.”Malambing na wika pa ng binata at inangat na ni Castiel ang kamay niya na may hawak sa paper bag para ipakita sa dalaga ‘yon. Sasagot na sana si Breigh pero muling nagsalita si Castiel kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. “Or mas maganda siguro kung umuwi ka na rin. Sasamahan kita para maalagaan kita sa bahay mo.”Dagdag na saad pa ni Castiel habang diretso pa rin siyang nakatingin kay Breigh. Mabilis namang umiling si Breigh bilang pag tanggi. “

