CHAPTER 109 Mabilis na inihinto ni Lee ang sasakyan nang makalayo na sila sa Up Land Company. Nasa may gilid lang sila ng isang lumang park. Hindi niya kasi kaya na wag pansinin sa pag iyak ang dalaga habang nagmamaneho siya dahil lalong lumakas ang iyak nito. Alam naman niya kung gaano kahirap para kay Breigh ang mga sinabi niya kay Castiel kanina. At alam rin naman niya na masakit yun sa part ng kapatid niya. Dahil kahit siya ay naramdaman niya yung sakit sa mga salitang binitawan ng dalaga. Kitang-kita naman niya kasi sa mga mata ni Castiel yung pagmamahal niya para kay Breigh. Masasabi niya talaga na nagbago na ang binata. Napansin niya rin na nasasaktan din si Breigh habang sinasabi niya ang mga masasakit na salita na binitawan nito kaya doon pa lang ay alam niya nang mahal na

