“Zoey, mag-ingat ka dito ha? Kung may problema, tawagan mo ako okay?” ani Gavin matapos makapagbihis. Naka-polo shirt lang ito na pinatungan ng jacket at pantalong maong. “Kailangan mo ba talagang pumunta pa sa mission na iyon?” nag-aalalang tanong ni Zoey sa kanya. Ngumiti naman ito nang tipid at hinawakan siya sa kanyang pisngi at hinaplos iyon. “I have no choice. It was my father’s command.” Yumuko siya. Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. Tanging tumatakbo sa kanyang isip ay hawak sila ni Don Guillermo at wala na silang ligtas kahit ano pa ang kanilang gawin. Itinaas naman ni Gavin ang kanyang baba at tinitigan siya sa mga mata. “Just give me a little more time. Lalayo na tayo at talagang magbabagong buhay.” “Pero hindi ba puwedeng ngayon na tayo lumayo?” Ang totoo natatako

