Hindi makapaniwala si Gavin na ang babaeng hinahanap niya ay may koneksiyon din sa kanyang ama niya. “Sa pagkakatanda ko, Don Guillermo ang tawag niya rito. Iyon iyong lalaking umabuso at nagkulong sa kanya nang matagal nang panahon.” Naulit ang sinabing iyon ni Chelsea sa kanyang isip. Napahawak siya sa kanyang sentido. Biglang sumakit ang kanyang ulo. Tila may pumipitik roon na lalong nagpapasakit sa kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang ulo upang maibsan ang sakit. Masyadong okupado ang kanyang isip kaya naman sumasakit iyon. Iniisip pa rin niya kung paanong nagkaroon ng koneksiyon ang kanyang ama at si Zoey. Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Chelsea. Pilit niya inignora sa kanyang isip ang bagay na iyon. Ngunit unti-unting tumitindi ang sakit ng kanyang ulo kasabay rin

