“How’s you feeling?” nakangiting tanong sa kanya ni Dancel. Sinuri nito ang kanyang mga mata gamit ang maliit na flashlight bago naupo sa harapan niya. Nakatayo naman sa likod nito ang isa pang doctor na kasama rin nito noon. “I’m fine,” tipid ngunit nakangiti rin niyang tugon. Ilang buwan na mula nang makuha siya ni Dancel mula sa kalsada. Dinala siya nito sa mental hospital na pinagtatrabahuhan nito at ng ama nito. Dito siya nito ginamot at nag-undergo siya ng theraphy. Sa tulong nito, unti-unti nang bumabalik ang kanyang katinuan. Sinabi nito sa kanya na mapalad pa rin siya dahil hindi nagtagal ang pagkawala niya sa sarili. She only had a mild trauma that made her out her mind. “Are you ready to tell me what happen to you and how you had a trauma?” tanong sa kanya ni Dancel matapo

