Nakatingin sa kawalan si Don Guillermo habang may hawak na wine glass na may lamang alak sa kanyang kamay. Natayo siya sa may terrace ng kanyang bahay. Lagi niyang iniisip kung bakit nga ba siya naging ganito kalupit at kademonyo. Hindi naman siya dating ganoon noong una silang magkakilala ni Selena, ang ina ni Gavin. They are in the same school in high school and in college. Pinag-aaral kasi si Selena ng kanyang mga magulang. They have charities at isa si Selena sa mga mapalad na natulungan nito. Unang kita palang niya kay Selena ay nagandahan na siya sa babaeng ito. Simple lang ang gandang mayroon si Selena pero sadyang nakakaakit. Matalino rin ito kaya naman kapag may mga subject siyang hindi alam ay nagpapaturo siya rito. Mabait si Selena kaya tinutulungan siya nito. Kaya lang na-mise

