Dismayado si Gavin nang umuwi sa kaniyang bahay. He thought that he already succeed when Zoey kissed him back at the elevator. Pero ngayon, para naman itong tigre na nangangagat. Nasapo niya ang labi ng dumugo kanina at ngayon ay may maliit na sugat. Medyo mahapdi pa iyon ngayon. “I know you are Zoey,” sambit niya kahit wala siyang kausap. “Mapapaamin din kita.” Desidido siya na paaminin ito sa pamamagitan ng feelings nito sa kanya. Alam niyang mahal siya ni Zoey at hindi nito makakalimutan ang pagmamahal na iyon nang ganoon kadali. Ang halik niya ang magpapaalala ng tamis ng kanilang pag-iibigan noon. Ngunit kung hindi iyon uubra, kailangan niyang ligawan ito. I know even Candice Smith can’t resist his charm. Hindi siya titigil hanggang mahulog ito sa kanya. Gagawin niya ang lahat u

