Masayang dumating si Gavin na dala-dala ang mga pinamiling grocery. Isa-isa nitong ipinapasok ang mga iyon sa loob ng kanilang bahay. Nakatingin lang si Zoey sa binata at napakalalim ng kanyang iniisip. Hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang pangba-blackmail na ginawa sa kanya ni Don Guillermo at pagpayag niyang panghahalay na ginawa nito sa kanya. Alam niyang kayang totohanin ni Don Guillermo ang sinabi nito. Kayang-kaya nitong patayin ang sariling anak. Nagawa na nito iyon sa sariling asawa kaya imposibleng hindi nito magawa iyon sa sariling anak. Ayaw niyang mamatay si Gavin. Hindi niya kaya! Hindi rin maalis sa isip niya ang koneksiyon ng necklace na may susing pendat na hawak niya sa ebidensiyang tinutukoy ni Don Guillermo. Ni hindi niya alam kung saan niya gagamitin ang susing iyo

