Nanginginig ang mga kamay ni Zoey habang hawak ang kutsara sa kanyang kanang kamay. Hindi niya magawang isubo ang nakahaing pagkain sa kanya dahil sa ginawang paglapit ni Gavin sa kanya kanina. God knows how she missed this guy. Pero hindi siya maaaring magpakilala dito. Hindi nito puwedeng malaman na siya si Zoey. Ngayon na ang pagkakataon na tuluyan na niyang malalayuan ito. Para rin sa kaligtasan nilang dalawa. “Hey, are you okay?” tanong sa kanya ni Dancel nang mapansing hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain. “No, I’m not,” tapat niyang sabi. “Because of that guy?” paninigurong tanong nito. Tumango naman siya. “Is he part of your past? Siya ba ang tinutukoy mong Gavin?” Kumunot naman ang kanyang noo. Hindi naman nagpakilala si Gavin sa kanila kanina kaya paanong nalaman ni Da

