Denver's POV Lumabas ako ng silid ni Aeify nang dumating na si Phae. Nag-ikut-ikot muna ako sa buong Andalace habang nag-iisip ng malalim. Nang malaman ko ang buong katotohanan, ang lahat ng lihim ng Parcean ay mas ginusto ko lalong makabalik na kami ni Cassey sa mundo namin. Masyadong delikado ang mundong 'to para sa'min. "Hindi, hindi kami nababagay rito." Bulong ko habang naglalakad ng mabagal. Kahit anong mangyari, pipilitin kong makauwi kami ni Cassey. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Decker. May isang malaking ibon syang hinahaplos sa may pisngi nito. Ito rin yung ibon na nakita ko noon. "May kailangan ka?" Malamig na tanong niya na hindi lumilingon sa'kin. "Kung hinahanap mo siya, wala siya rito. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta." Dugtong pa niya. "Alam ko n

