Kabanata 2

1144 Words
"Ano ka ba girl. Magsisimula na ang klase natin in a few minutes tapos tatanga tanga ka pa? There are lots of students in the canteen na so we must be hurry!" She said in a hurry tone voice.  Nagpokus na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen. I want to ask Alejandra about that guy at baka kilala niya iyon ngunit nawala na sa isipan ko ang katatagang 'yon nang makita ang mga pagkain sa canteen. Damn! They look so delicious! Nagugutom tuloy ako lalo!  Nang matapos na kumain, palinga-linga pa rin ang mga mata ko sa kabuuan ng ground sa unibersidad. I can't imagine how Cebu built this big university. Sa pagkakaalam ko, ito ang paaralan ng mga matatalinong estudyante. You can't enter this university if you don't bear any talent and ability. Mahirap pasukin ang paaralang ito. You must need to go in the middle of the needle bago ka makapasok sa mismong paaralan.  Base sa schedule ko, may two hours vacant ako ngayong araw habang si Alejandra naman ay isa. Since she took education kaya magkaiba kami ng subjects. May mga subjects pa rin naman na nagkakasama kami pero hindi madalas.   Using my phone, kinuhaan ko ng picture ang kabuuan ng ground sa unibersidad. May mga estudyanteng naglalakad at iyong iba'y nakaupo sa mga couches hindi kalayuan kung saan ako nakaupo.  It's already 2 o'clock in the afternoon at wala akong klase hanggang alas kwatro. Ang sabi ni Andra ay dito na lang muna raw ako maghihintay sa kanya habang lumilipas ang oras. I find it boring ngunit wala akong magagawa. She has the car at makikisabay lang ako.  Bilin din ni mommy na huwag raw akong uuwi mag-isa gayong hindi ko pa naman kabisado ang paikot-ikot na daan dito sa Cebu.  We lived in manila since I was a child. Doon na ako lumaki, nakapag-aral at nakapagtapos ng high school pero nitong nagdaang buwan, we lost thousands of money dahil sa investment ni daddy sa isang kompanya na bahagyang nalugi kaya wala kaming ibang magawa kung hindi ang makialyansa na lamang sa kompanya nina Andra.   Lumipas ang iilang minuto sa pakikinig ng musika nang bigla nakuha ang atensyon ko sa mga lalaking maangas na naglalakad sa ground.  These are the guys I saw earlier. Wearing their varsity jacket, they look so arrogant. Anim lang pala sila.  I chased them using my sights hanggang sa napansin kong lahat pala ng kababaihan dito sa ground ay nakatingin sa kanila.  I don't know them yet pero sa nakikita ko, they're so fame dahil sa inaasta ng mga babaeng nadadaanan nila na kulang na lang ay maghubad sa kanilang harapan para kunin ang kanilang atensyon.  They continued on walking na kung hindi ako nagkakamali ay sa gym ang punta nila. They don't even great anyone they've encountered. Mukha silang mayayaman dahil sa kanilang porma at galaw. Pero mukha ring masusungit at high standards. I chased them hanggang sa makapasok sila sa gym. Hindi ko alam kung bakit pero naku-curious ako sa kanila. Who are they?  Hearthrobs?  Dean's listers? Bakit parang ganoon na lamang kung umasta ang mga babaeng kanilang nadadaanan? I cut my vision at nagpokus na lamang sa pakikinig ng musika. Idiniin ko ang atensyon ko sa cellphone ko at nang makitang isang oras pa ang hihintayin ko ay bigla akong nababagot.  Hindi ko pa kabisado ang pasikot sikot sa kabuuang sulok nitong unibersidad kaya tanging sa ground lamang ang punta ko tuwing wala si Alejandra. I tried to find the library pero hindi ko alam kung saan. I like reading books kaya alam kong mawawala ang bagot ko roon kung sakali.   Napaangat ang tingin ko nang maaninag ang isang babaeng marahan na naglalakad papalapit sa akin. Nakatingin ito sa akin kaya kinuha ko na lang ang headset ko at baka sakaling may itatanong siya.   "Hi?" Bati pa niya.   Dala ang libro niya ay marahan siyang umupo sa tabi ko.  Ngumiti na lang ako bilang sagot sa bati niya. She looks so friendly and charming.  Sa ngiti pa lang niya ay nakakagaan na ng loob.   "Bago ka ba rito?" tanong pa niya.   "A,  oo. Ikaw rin ba?" I said awkwardly.  "Hmmm? Oo. Kaya pa la nag-iisa ka lang dito.  Cresia nga pala, from college of education, " nilapag niya ang kanyang kamay.  "Aria Isabel Tuazon, but you can call me Ara.  From college of tourism," I smiled.   Umayos na lamang ako sa pagkakaupo. I feel so comfortable naman kaya ayos lang na nandito siya.  She's so friendly.  "Kaano-ano mo nga pala si Andra?  Mukha kasi kayong close," Ngiting tanong nito sa'kin.   "Pinsan ko," I said shyly.  Bukod sa napakalayo ang personalidad namin ng pinsan ko ay malayong malayo rin ang pisikal namin na anyo.  Andra is sexy. She have humor at ako?  Ewan ko.   "Kaya pala. Nasa lahi talaga ninyo ang pagiging maganda ano?" She said cheerfully.  Bulera rin ang isang 'to eh.   Ngumiti na lamang ako bilang sagot sa katatagang iyon. Napalingon siya sa gym kaya napatungo narin ang atensyon ko doon.   "Wanna go to gym?  Balita ko kasi nandoon ang mga Montemayor!" aktibo niyang wika na siyang nagpapakunot ng aking noo.  Montemayor?  At sino naman sila?   Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpahila na lamang kay Cresia.  Papalapit pa lang kami sa gym ay naririnig na namin ang hiyaw ng mga kababaihan sa loob.  Halos umi-echo ang mga boses nila na animo'y may artistang naglalaro sa loob.   Nang makapasok kami sa gym ay kaagad nakuha ang atensyon ko sa mga naglalaro. Pawis na pawis ang mga ito suot ang mga jersey nilang saktong sakto sa kanilang katawan.   Now, I know them already.  Kaya pala panay ang titig ng mga babae kanina sa ground nang dumaan sila. They're varsity here.   Napalipat ang titig ko sa lalaking tumatakbo ngayon papalapit sa akin.  Dala ang bola ay nagso-slowmo ang pangingin ko lalo na nang nakatingin din siya sa akin.   Ngayon ay nakikita ko na nang malapitan ang mukha niya. His straight hair is so attractive. Naging mas mapula pa ang kanyang labi at ang mukha niyang binabalot na ng pawis ay naging kaakit-akit tingnan.   Natauhan ako nang maramdaman ang sakit sa aking ulo.  Damn!  Ano 'yon?!   Napaupo ako sa sakit habang hawak-hawak ang aking ulo. "Ari?  Okay ka lang ba?" Dinig kong wika ni Cresia na alam kong nasa harapan ko.   Halos mawalan na ako ng malay dahil sa sakit. Dumilim din bigla ang aking paningin ngunit kaagad rin naman iyong bumalik sa dati.  Ramdam na ramdam ko ang mga taong nakapalibot sa akin ngayon.  May mga nagbubulungan at iyong iba naman ay alam kong nakikisuyo lang.  Nakakahiya!   Ang tanga ko kasi.  Hindi ko na namalayang hindi pa pala ako nakaupo sa couches at sa gilid pa ng basketball ring ako nakatayo. "Miss?  Okay ka lang ba?" Mas lalo akong nahiya nang marinig ang boses na iyon.   Naamoy ko na ang naghahalong pabango at pawis sa aking harapan.  I open my eyes.  Tanaw ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Tumayo akong hindi tinanggap ang kamay niya.  I looked at him sharply at saka tumakbo palabas ng gym.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD