ZACH TAENA! ‘Di talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Nyx kanina lang! Naiwan kami ditong tulala! Ikaw ba naman ‘di magulat na sa isang iglap lang nakapunta siya dito sa gawi namin at ang mas malala pa ‘dun sinapak niya si Zy! At napabagsak niya! "Leader! Ayos ka lang?!" Tanong sa kaniya ni Kaius at tinulungan itong tumayo pero sumenyas siya na wag ng tulungan pa. Tumayo na siya at hinawakan ang panga niya. May sugat siya sa may pisnge dahil siguro tumama siya sa upuan at putok ang labi niya. Grabe ang sakit nu'n panigurado! Kumuha ito ng panyo mula sa bulsa niya't pinunasan iyon. "Grabe! Nakakagulat siya leader! " Hindi makapaniwalang sabi ni Paulo. Tama siya, kahit ako na katabi ni Leader ‘di ako makapaniwala jusko. Kung andito ka talagang matatakot ka kasi ‘yung mata ni Ny

