In the middle of the night, there this girl silently walking in the hall way of a hotel.
Matagumpay niya'ng napabagsak ang mga tauhan ng siya'ng target niya para sa gabing iyon.
Malamig ang panahon dahil snow season ngayon sa Italy. Tahimik ang lugar dahil sikat ang floor na iyon na para lang sa mga VIP.
Nang makarating siya sa tapat ng pinto ay agad siya'ng kumatok.
Tumagal ng ilang minuto ang paghihintay ng babae na ikinainis nito dahil sa tagal.
"I told you not to—"
Hindi na ituloy ng isang italyano na walang suot na pang itaas ang kaniya'ng sasabihin ng saktong pagkabukas niya ng pinto ay ang siya'ng pagtutok sa kaniya ng silencer ng babae.
"W-who are you?!" Nauutal na sabi nung italyano pero di siya pinakinggan ng babae.
"Move." malamig na sabi nito pero inilibot ng italyano ang mata niya sa labas at hinahanap ang tauhan nito. Nahalata ng babae ang ginawa nito kaya agad niyang hinampas ang baril niya sa ulo ng lalaki.
"Arrgghh" tanging daing nito dahil sa lakas niyon. Agad na pumasok ang babae at isinara ang pinto.
"Babe! Where ar—who are you?!"
Agad na napatingin ang babae sa kadarating lang na babaeng nakapulupot pa ang kumot sa katawan at mukang alam na niya kung bakit matagal bago buksan ng italyanong ‘yun ang pinto dahil may milagro silang ginagawa.
Hindi niya sinagot ang babae at walang pag aalinlangan niyang binaril ito sa ulo na ikinamatay agad nito. Nagkalat pa ang dugo dahil doon. At dahil nga silencer ang baril niya ay walang ibang makakarinig.
"What the fvck! Who the hell are you?!" Napalingon muli siya sa italyano at sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ito sinagot.
Naupo siya sa sofa na andodoon sa sala at tinanggal nito hood na soot na ikinalaki ng mata ng lalaki.
"Q-Queen..." utal na sabi nito at hindi nagdalawang isip na tumakbo papunta sa pinto dahil alam na niya ang kakahinatnan niya sa kamay ng babae.
Pero mabilis na kumilos ang babae at pinaputukan ito sa kaliwang binti na ikinasigaw nito sa sakit.
"Aww!! b***h!"
Sigaw sa kaniya nito pero di niya iyon pinansin. May suot na mask ang babae at maiksi ang buhok nito na blonde.
Kilalang kilala siya ng ibang secret organization ng mga Mafia dahil siya ang Mafia Queen.
"You know what? It was nice to meet other people..." panimula nito habang naglalagay ng wine sa baso na andodoon. May naka ready na kasing wine sa table at may nakataob din na mga baso. May yelo din sa tabi.
Mukang handang handa para sa mga panauhin ng hotel.
Habang ang italyanong lalaki naman ay nakatingin lang sa kaniya habang nakaupo sa sahig at hawak ang binti na tinamaan.
"But sadly, whenever I see them they end up dying." dugtong nito at uminom ng wine na ikinalunok ng italyano.
"I-I'm not doing anything wrong Queen! I am telling the truth!" Desperadong sabi nito sa babae na ikinangisi naman nito.
"Oh really?"
Natawa ng pagak ang babae at tumingin dito ng nanlilisik ang mga mata. Hindi hadlang ang mask para hindi ito makita ng lalaki.
"How many times do I have to warn you huh?! I gave you everyday a threat so that you could know that I'm watching you!" Pasigaw na sabi nito sa lalaki na ikinakaba nito lalo.
"Rules is Rules. Disobey the rules and there's a punishment. I hope you already know that.” sabi nito at tumayo na habang hawak ang baril nito na ikinaluhod ng lalaki sa harapan niya at nagmamakaawa.
"Forgive me Queen! Forgive me! Give me a chance again! Forgive me!" Sabi nito sa kaniya pero di siya sinagot ng babae at maya-maya ay napasigaw siya ng barilin nito ang kamay ng lalaki na unti-unti ng may kinukuha sa likod nito at sigurado siyang baril ‘yun.
"You're just giving me another reason to kill you man." malamig na sabi nito habang nakatingin sa lalaki namimilipit na sa sakit.
"Then kill me b***h! Kill me-*BANG!*" Tunog ng Silencer niya na ipinatama nito sa ulo ng lalaki.
"Madali akong kausap."
Iniwan na niya doon ang lalaki at yung kasama nitong babaeng hilaw. Isinuot nitong muli ang hood niya at naglakad na palabas.
Tahimik ng muli ang dinaraanan niya. Parang walang nangyaring kakaiba at naglakad siya palabas.
Ang ayaw nya sa lahat ay sinusuway ang rules niya. Hangga't siya ang Queen walang makakalusot sa kaniya.
"There she is!" Napatigil siya sa paglalakad ng umalingaw ngaw ang boses na iyon sa hallway kaya napamura nalang ang babae at agad na tumakbo pabalik.
Ang pagdaan niya sana sa hagdan ay hindi natuloy dahil andoon ang mga body guard ng italyano na ‘yun.
Agad niyang pinindot ang elevator at agad na bumukas iyon at pumasok siya. Napatago siya sa gilid ng makitang paparating na ang mga ito. Mahuhuli siya kung di siya gagawa ng paraan.
Agad na iniharang ng mga body guard ang kamay nila sa elevator para mapahinto ito sa pagbukas pero laking gulat nila ng wala na doon ang babae. Kahit na saan pa sila tumingin.
"Where is she?!"
"She's gone! But there's no way out here!"
"Find her!"
"Take the staircase and tell the others that wait on the ground! I know it's the only way she could go to!"
Rinig na rinig ng babae ang mga sinasabi ng mga body guard sa loob. Mabilis siyang umakyat sa itaas ng elevator ng makita niya ang daan sa itaas niyon. Buong pwersa niya itong binuksan at ng nagawa naman niya ay doon sya lumusot at ngayon nga ay nasa ibabaw na siya ng elevator.
Napatingin siya sa paligid. Puro electrical wire ang mayroon doon at mainit din dahil sa elevator. Nakita niya na may papaakyat na isang elevator sa kabila kaya agad siyang tumalon doon at saktong ramdam niya na walang tao sa loob kaya muli niyang ginamit ang daan na andoon at pumasok sa loob.
Pagbukas ng elevator ay mabilis na bumaba siya sa hagdan at nakarating agad siya sa ground ng hotel.
Sumasabay siya sa mga dumadaan kaya hindi siya nahahalata ng mga body guard. Hindi ‘din kasi dapat mag pahalata ang mga body guard na may nangyayaring ‘di maganda dahil mag kakagulo sa hotel na ayaw nilang mangyari dahil mag sisialisan ang mga costumer nila.
Matagumpay na nakaabot ang babae sa revolver na pinto ng hotel at agad na lumabas pero may bantay din pala doon kaya mabilis siyang tumakbo.
"Go get her!"
Mabilis niyang iniiwasan ang mga tao na nasa labas. Nakakaramdam na siya ng lamig dahil sa mga snow.
Kahit na gabi ay marami paring tao sa labas na mas pabor sa kaniya para mabilis na makatakas.
Agad siyang nakakita ng underground subway kaya doon siya pumasok dahil mas maraming tao doon.
Lumingon siya sa likod. Kita niya ang maraming ulo ng tao at ang mga body guard na pilit siyang hinahanap.
Muli siyang tumingin sa harap at mabilis na tumatakbo pababa. Habang bumababa siya ay tinanggal niya ang Jacket na suot at itinapon kung saan. Maging ang maiksing blonde hair wig ay itinapon niya kasama ang kaniyang mask.
Mayroon siyang kinuhang salamin at sumbrelo sa bulsa niya at isinoot iyon.
Lumiko siya sa kabila at may nakita siyang isang jacket na may bag sa gilid ng isang bench kung kinuha niya iyon. Mabilis na sinoot niya ang jacket at pati ang bag tapos huminto, kunwari ay nag aabang siya ng tren.
"Where is she?! Find her!"
Napangisi nalang ang babae dahil tuluyan na siyang ‘di nakilala. Saktong dumating na ang tren na ikinapasok niya doon na may malaking ngisi sa labi.
‘Mission complete.’