Chapter 2

856 Words
Chapter 2 Jazmine's POV Teka, bakit parang wala akong nararamdaman? Sinubukan kong buksan ang aking mga mata at nagulat ako sa nakita ko. Nanaginip lang ako? Panaginip lang ba lahat? Nandito ako sa loob ng kwarto at naririnig ko na ang ingay sa baba, meaning na nandito na ang mga bisita. Ang sama naman ng panaginip na iyon. Pero bakit, parang totoo? Siya iyong lalaking nakita ko kanina sa labas ng bahay. Ano bang nangyayare sa'kin?! Mamamatay ka na, malapit na. Isang tinig na narinig ko na nakapagtaas ng mga balahibo ko. Ano 'yun? Parang may nararamdaman akong malamig sa mga paanan ko ngayon. Nanlaki ang mga mata ko. Ano iyong malamig na iyon! Pasalamat ka at nagising ka pa. Isang tinig na naman. This time, mas lumalakas. Patay ka na dapat ngayon. Dahil sa takot ay dali dali akong bumaba at pumunta sa labas pero bago pa man ako makababa ay para akong sinaksak ng milya milyang kutsilyo sa nakita ko. Nakahandusay si Jaicee na may nakasaksak na kutsilyo sa kanyang leeg. Anong nangyare dito? Nakatulala parin ako hanggang ngayon. Gusto kong sumigaw at lumapit sa kanya pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang na may mga luhang tumulo sa aking mga mata. Gulat na gulat sila mama at papa ng pumasok at agad napatingin sakin. "Anong ginawa mo sa kakambal mo?!" Galit na sigaw ni Mama sa akin. Umawang ang bibig ko. Anong ginawa ko? Bakit ako? Nanaginip lang ba ulit ako? Panaginip lang din ba ito? Nabalik lang ako sa reyalidad ng makatamo ako ng napakalakas na sampal mula kay mama. "Napakawalanghiya mo! Paano mo nagawang patayin ang kakambal mo? Hindi mo alam kung gaano siya samin kaimportante! Bakit mo sya pinatay?! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" Galit na galit na sabi ni Mama. Hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko dahil narin sa pagkagulat. So ako ang tinutukoy nilang pumatay kay Jaicee? Anong nagawa ko para danasin ko to? Masama ba akong tao? My tears won't stop on falling. Tila sumikip ang dibdib ko. I just coudln't move. Nakita ko na lang ang pagdami ng bisita sa loob ng bahay at napatakip sa bibig......then everything wents black. Jaicee's POV It's almost evening. Malapit ng dumating ang mga bisita kaya bumaba na ako. Napangisi ako. Ang ganda talaga ng regalong bigay sa akin nila Mama at Papa. Pagkababa ko ay saktong dumating na nga ang iilan sa mga bisita. Mas napangiti ako. Madami na naman akong regalong matatanggap. Nilibot ng tingin ko so Jazmine. Oh, great. Wala siya dito. Well, kahit naman pumunta siya dito, wala pa din siyang aabutang regalo. She's not worth it. Wala naman siyang kwenta sa Pamilya na ito. Taas noo akong naglakad papunta sa mga bisita at doon ay binati sila. "Hi, Tita!" Maligayang bati ko kay Tita Haidee na bumungad sa akin pagkalabas ko. "Oh, dear. Happy happy birthday, Jaicee! You're so beautiful!" Sabi ni Tita. Bahagya akong natawa at nakipagbeso. "Thank you, Tita." Nakangiting sabi ko. Lumapit pa ako sa ibang mga bisitang nagbigay na ng regalo sa akin. No one even ask for Jazmine. That's already given, though. Nang sana'y paakyat ako, biglang humangin ng malamig. Aksidenteng napalingon ako sa gilid ng party. Umawang ang aking bibig at nanlaki ang mga mata. Nakaramdam ako kaagad ng takot ng makita ang lalaking masamang nakatitig sa akin ngayon. Tumaas ang balahibo ko sa braso. Sino siya? Anong ginagawa niya dito? Hindi ko maaninang ang kaniyang mukha but I am sure na siya iyong lalaking nakita ko kanina sa may bintana! I looked around, para malaman kung nakikita din ba siya ng mga bisita ko ngayon but it seems it wasn't. Walang anu-ano'y agaran akong pumasok sa loob ng bahay. My hands are almost shaking. May hawak siyang kutsilyo at sobrang sama ng tingin niya sa'kin! Ni hindi ko nga siya kilala! And what was he even doing here?! Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaakyat ay napako na ako sa kinatatayuan ko. I was caught off guard ng makita ang lalaking nakatayo ngayon sa gitna ng hagdan. Nanlaki ang aking mga mata. Am I dreaming?! Bangungot ba ito? Nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. Nakatutok sa akin ang kaniyang kutsilyo. Tila galit na galit siya. Ang kaniyang itsura ay walang awa. Lumingap ako sa paligid. It's so dark. Gusto kong sumigaw pero parang may nagtali sa aking bibig. I can't even speak for pete's sake! "Mamamatay ka." Bulong nito. Nangilabot ako. Nanggilid ang aking mga luha. Hindi na ako makagalaw. Parang may kung sinong nagkontrol sa katawan ko at kusa na lang itong huminto sa paggalaw. Unti-unting nakalapit sa akin ang lalaki. "S-sino ka.." the only word I uttered. Parang humihigpit ang leeg ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Ngumisi siya at tila kumislap ang kaniyang mga mata. "Magbabayad ka. Magbabayad kayong lahat, mga Florente." Galit na galit ang tono ng kaniyang boses. Inangat niya ang kutsilyong hawak niya at itinurok sa akin. "Ahck--" nanlamig ang aking buong katawan. Namanhid ang pakiramdam lalo na ng ibaon niya lalo ang hawak niyang kutsilyo sa aking dibdib. "Mamamatay ka." Huling narinig ko bago natapos ang lahat
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD