Chapter 12

658 Words
Hindi makatulog si Misty pakiramdam niya ay matatanga na siya kakaisip sa naganap na halikan sa pagitan nila ni Ashton. Hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya. Kinikilig ba siya o ano o baka inis din yon dahil tumugon siya sa halik ng lalaki. Wala na ata siyang mukhang maihaharap dito. Habang si Ashton ay hindi mapalis ang ngiti sa labi. Pansin nga rin ng kanyang pamilya ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Lalo na ang kanyang mommy ngunit hindi lamang nagsasalita ang mga ito. Kanina ay pinagsasabihan siya ng kanyang daddy pero hindi siya nakikinig sa mga sinasabi nito at tila lumilipad ang kanyang isip. " By the way kuya san kaya pumunta ng babaeng yon noong umalis kayo? Mas pinili mo pa talaga na kasama siya kaysa kasama kami." Sabi sa kanya ni Ashtine. Kaya napabalik sa wisyo si Ashton. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nang kanyang kapatid. Masama bang makasama niya ang babaeng kanyang mahal? Wala namang masama doon. " Stop your nonsense talking Ashtine. " Iyon na lang ang kanyang naging tugon sa kapatid. " Pero nakikita ko mas mahal mo pa ata ang babaeng yon kaysa sq amin na pamilya mo." Sabi pa nito. Kaya napatayo na si Ashton. Dahil sa nawalan na siya ng gana. Ang kaninang maganda niyang mood ay kaagad na nawala ng ganun ganun na lang. Ngunit hindi niya naman mapagsalitaan ang kapatid. " Ashton, where are you going? " Pagtatanong ng kanyang ina. " Wala na kong gana. Im already full." Sagot niya at umalis na doon. Hindi niya na talaga kaya at baka kapag nakarinig pa ulit siya ng masamang salita na si Misty ang tinutukoy ay kung ano na ang masabi niya sa magsasabi noon at ayaw niyang mangyari iyon. " Palagi na lang ang babaeng yon. " Sabi ni Ashtine samantalang si Ashley ay tahimik lang. " Don't worry I'll talk to your brother." Sabi nito sa anak kaya napangiti ang dalaga. Alam niyang sa daddy nila ay walang palag ang kanilang kuya at wala itong magagawa. " Stop it Ashtine wag mo kasing pinapakialaman ang kuya niyo." Sabi naman ni Celine sa anak. Hindi niya nagugustuhan ang nagiging ugali ng anak. Para sa kanya ay nakakairita na ang ganoong ugali. Dahil sa labis na pagkagusto nito sa Nikita na yon para maging asawa o nobya ng kanyang kuya ay ibinababa na nito ang ibang tao. " Pero mommy-" Hindi na nito na tuloy any sasabihin dahil may sinabi ang ina. " Alam kong gusto mo si Nikita para sa kuya mo pero wala tayong magagawa kung iba ang gusto ng kuya mo. Tanggapin na lang natin iyon at huwag natin siyang pakialaman." Pangaral nito sa anak. " Si Ate Nikita ang mas bagay kay kuya. Si Ate Nikita lang!" Sigaw pa ni Ashtine. Ang kambal nito ay tahimik lang. At noong umalis ang kakambal ay sumunod lang. Samantalang si Nikita ay nakangiti habang nakaharap sa salamin. Siguradong konting sulsol niya lang sa ama ni Ashton ay magbabago na ang lahat. Mas sasabihin lang naman siya na tiyak makakapagpakulo ng dugo nito. Sobra talaga ang pasasalamat niya sa Marielle na yon dahil sa sinabi nito. " Hija, what are u doing?" Tanong ng kanyang mommy na kakapasok lamang sa kanyang kwarto. " Im just looking at the mirror mom at inaappreciate ko lang ang ganda ko." Sagot nito sa ina. " About your dad nakausap ko na siya." " payag na po siya?" Tanong niya pa sa ina. Tumango ito. Kaya halos mapatalon siya sa labis na tuwa. Matutupad na rin ang pangarap niya na makasal kay Ashton. Masayang napayakap si Nikita sa kanyang ina. Di niya mapigilan ang mapangiti ng malawak. Nangyayari na ang kagustuhan niya. And nararamdaman niya na soon ay sakanya na matutuon ang atensyon ni Ashton sa ayaw man nito o sa gusto. Dahil para sa kanya silang dalawa ang para sa isa't isa. Siya lang ang para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD