Chapter 13

805 Words
" Bat ganyan ka tumingin?" Takang tanong ni Misty sa kanyang sir Ashton dahil sobra na talaga siyang naweweirdan sa mga tingin nito sakanya. " Alam kong alam mo ang tumatakbo sa isip ko." " Anong tingin mo sa akin manghuhula?" Tugon niya sa lalaki. Minsan talaga nakakasakit na ito sa ulo. Ginawa pa siyang manghuhula. " About the kiss." " Wag na natin yong pag-usapan hindi naman iyon importante. " " For you it's not but for me" Ngumisi ito bago unti unting lumapit sa kanya. Saka ito bumulong sa kanyang tenga. " I want to do it again. I want to kiss your lips just like yesterday." Na naging dahilan kung bakit nagsitaasan ang kanyang balahibo. Kaya lumayo siya sa lalaki. Mabuti nga at lumayo siya dahil bigla na lamang may dumating. Kamukhang kamukha ng boss niya ang ginoong dumating. Mukhang ang ama nito. " Goodmorning po. " Pagbati niya rito. Ngunit hindi siya nito pinansin at binaling lamang ang atensyon sa anak. Kaya batid na ni Misty ang ipinahihiwatig nito at yun ay ang iwanan niya ang dalawa. " Hindi mo pa rin talaga tinitigilan ang babaeng yon." Akala ni Ashton ay pinuntahan siya ng kanyang ama upang kamustahin yun pala ay para sermunan lang. " At wala na kayo doon as long na nahahandle ko ng maayos ang kompanya." Sabi niya sa kanyang ama. " Nang dahil sa babaeng yon pati ang respeto mo sa akin ay nawawala na. What did I told you? Na ituon mo ang atensyon mo kay Nikita lalo pat alam mong ikakasal ka sa kanya. " Parang nabingi si Ashton dahil sa kanyang huling narinig. " Anong kasal? Sinong ikakasal? Ako? Hindi ko pakakasalan ang babaeng yon kahit na iyon pa ang gusto niyo! " Nagmamatigas niyang sagot sa sariling ama. Oo nawalan na siya ng galang dahil rin naman sa kagagawan nito. Dahil pinapakialaman nito ang buhay niya. " You'll marry Nikita son and that girl outside. Subukan mo lang na suwayin ako masasaktan ang babae mo." Pananakot pa nito bago umalis. Nang makalabas sa kanyang opisina ang kanyang daddy ay napasabunot na lang si Ashton sa sariling buhok. Oo alam niyang gustong gusto siya ni Nikita. Kaya ba na hiniling nito sa mga magulang nila na ikasal sila? Na sobra niyang kinagagalit. Mamaya ay kakausapin niya ang babae. Walang sinuman na pwedeng kumontrol sa buhay niya. At kung ikakasal man sila ni Nikita ay alam niyang hindi siya magiging masaya dahil si Misty lang. Si Misty lang ang gusto niya. At hinding hindi na siya magkakagusto pa sa iba. " May pupuntahan tayo." Iyon ang sabi kay Misty ni Ashton. Nakikita niyang hindi na maganda ang mood ng kanyang boss kaya hindi na siya kumontra. Safe naman siya dito. Hindi naman siya siguro dadalhin ng lalaki sa kung saan o gagawan ng masama. Kaya habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lamang si Misty. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa labas ng kotse. At wala din siyang alam na topic upang pagsimulan ng usapan. Hindi siya magaling doon. Hanggang sa tumigil sila sa isang eskwelahan. Private school. " Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya kay Ashton pero hinawakan lang nito ang kamay niya at magkahawak kamay silang naglakad. Pilit niyang binabawi ang kamay niya ngunit hindi siya hinahayaan ng lalaki. " Mag-aaral ka ba ulit? Anong ginagawa natin dito? " Muli niyang tanong kay Ashton. " Wala ka bang naaalala?" Ito naman ang nagtanong. " Anong naalala? Ano namang maaalala ko dito. Eh ngayon lang ata ako nakapunta dito." Sagot niya naman. " You have an amnesia right? Wala ka bang naaalala na memories dito kahit ano? Wala!?" Frustrated na nitong tanong sakanya. " Wala nga." Sagot niya naman. " Alalahanin mo naman, please. " Mahinahon nitong sabi. Hindi na ito galit. " Oo may amnesia ako pero wala akong kahit anong maalala dito. Ni wala nga akong maramdaman. " Sabi niya pa. " Ash, new classmate wala talaga? Wala ba talaga? Alalahanin mo naman please." Para itong nagmamakaawa sakanya. Don niya lang nakita na ganoon ang lalaki. " May trabaho pa sa kompanya. Umalis na tayo dito. Nagsasayang lang tayo ng oras. " Sabi niya sa lalaki. " Hindi tayo aalis dito nang wala ka ring naaalala. " Napasabunot na ito sa sariling buhok. " Umalis na kasi tayo dito." Nagulat siya ng yakapin siya nito mahigpit. " Alalahanin mo naman ako baby please. " May kasama na iyong hikbi. Hindi alam ni Misty kung bakit para siyang sinaksak ng libo libong patalim sa mga oras na yon. Bakit ayaw niya itong nasasaktan? Ano ba itong nararamdaman niya? " Kahit ngayon lang Misty alalahanin mo naman ako. Kahit ngayon lang." Niyakap niya naman ito pabalik. Ayaw niya itong makitang nasasaktan ng dahil sa kanya pero hindi niua naman alam kung ano ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD