Nakauwi na si Misty. Pilit niyang inaalala ang school na pinuntahan nila ni Ashton ngunit wala talaga siyang maalala. Halos sumakit na nga ang ulo niya sa sobrang kakaisip pero wala pa rin talaga.
Kanina ng makita niyang umiiyak ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kung bakit masakit para sa kanya na makita itong ganoon. Napabalik lang siya sa katinuan ng may kumatok. Agad niya namang tinungo ang pintuan at binuksan iyon.
" Duke ikaw pala." Bati niya sa lalaki. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang lalaki. Pero sa totoo lang ay nag assume talaga siya akala niya ay si Ashton ang dumating ngunit iba pala.
" Ano palang ipinunta mo dito?" Ngiti niyang tanong sa lalaki. Pansin niyang seryoso ang mukha nito at hindi agad nito sinagot ang tanong niya. Na ikinataka naman niya. Always energetic kasi ang lalaki kapag kausap siya. Naninibago siya sa ipinapakita nito.
" Gusto mo na ba siya, Misty? Nahulog ka na rin?" Kumunot pa ang noo niya dahil sa naging tanong nito. Mahina siyang tumawa pero nanatiling seryoso ang mukha ni Duke. Halatang seryoso ito sa tanong nito. Alam niya naman ang tinutukoy nito di siya tanga.
" Ano ka ba! Nagpapatawa ka ata eh. Sinong gusto? Wala akong gusto sa boss natin. At di ako nahuhulog saka sigurado ka ba na may gusto sakin yon? Eh usap usapan lang naman yon sa kompanya." Nagdadahilan niya pang sabi na sana ay paniwalaan nito.
" Wag ka ng magsinungaling Misty okay lang naman sakin kung sasabihin mo ang totoo. Matatanggap ko. " May nakikita siyang lungkot sa mga mata ng lalaki.
" Hindi ko nga gusto si Sir Ashton." Sabi niya naman.
" Hindi ka magaling magsinungaling Misty. Hindi mo man aminin pero alam mo sa sarili mo na nahulog ka na rin."
" Duke tigilan na nga natin ang usapang ito hindi ka na nakakatuwa." Medyo tinatamaan na siya sa mga sinasabi ng lalaki. Oo hirap lang siyang aminin pero nahulog na rin ata siya sa boss nila.
" Ayaw lang kita masaktan Misty." Sabi ng lalaki. Sinabi niyang umuwi na ito kasi gabi na pero ang totoo ay ayaw niya lang talaga marinig ang mga sasabihin nito. Dahil natatamaan na siya. Kasi oo nga nahulog na siya sa boss nila pero hindi naman siya sigurado kung sigurado ba talaga ito sa kanya o pinaglalaruan lang.
Maaga siyang natulog wala siyang ganang kumain ng hapunan.Hindi mawala sa isip niya ang kanyang Ashton kaya hanggang sa panaginip niya ay nasama ito.
Samantalang si Ashton ay hindi makontrol ang galing at kulang na lang ay sirain ang lahat ng gamit sa loob ng kanyang kwarto. Kinausap na naman siya ng ama niya tungkol sa kasal nila ni Nikita at ang mas nakakainis pa ay nandoon si Nikita at ang parents ng babae.
Ayaw niyang makasal sa babaeng yon. Natigil lamang si Ashton sa pagwawalanng bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang ina. Nilibot nito ang paningin sa kanyang kwarto na sobrang gulo na.
" I won't marry that woman, Mom!" Sigaw niya sa ina.
" Son calm down."
" Paano ako kakalma mom? Paano? Pinipilit niyo ko sa hindi ko gusto!"
" Kakausapin ko ang daddy mo." Sabi ng kanyang mommy.
Pero napailing iling na lamang si Ashton.
" At sa tingin mo makikinig siya sayo? Kung makagawa siya ng desisyon ay parang hindi siya nakagawa ng pagkakamali noon. Hindi pa ba sapat na niloko ka niya noon? Gusto niya naman akong pahirapan ngayon!"
Hindi sinasadyang nasampal siya nito.
" Maybe you should leave me alone, mom. Kaya ko ang sarili ko. "
Nakita niya ang pagsisisi sa mga mata nito.
Dinala niya na si Misty kanina eh. Dinala niya ito sa lugar kung sana sila nagkakilala. Kung saan sila naging magkaibigan. Ang lugar kung saan siya may espesyal na mga alaala kasama ito pero wala pa ring maalala ang babae. Tila mawawalan na siya ng pag-asa.
Pero hindi pwede dahil kung magpapakasal man siya ay gusto niya kay Misty. Ito lang ang babaeng gusto niyang pakasalan. Kaya handa niyang gawin ang lahat kahit kalabanin pa ang sarili niyang ama dahil sa pakikialam nito sa buhay niya.
At sa sandaling masaktan si Misty dahil sa mga ito ay baka makalimutan niya ng pamilya niya ang mga ito.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa kompanya. Ngunit ang totoo ay gusto niya lang talaga makaalis ng maaga sa mansyon at makipagtalo pa sa kanyang pamilya. Gaganda ang araw niya kung makakasama niya ulit si Misty. Pero anong oras na ay hindi pa rin ito pumapasok kaya nag-alala na siya baka kung ano nang nangyari sa babae.
Kaya noong dumating ito ay kaagad niyang niyakap ang babae na ikinataka naman nito.
" Sorry tinanghali kasi ako ng gising." Paliwanag nito kaya nakahinga na siya ng maluwag. Akala niya kung ano na.