Chapter 15

790 Words
Lumipas ang mga araw at narerealize na nga ni Misty na nahulog na siya sa kanyang Sir Ashton dahil sa mga pinapakita at pinaparamdam nito sakanya na wala namang talagang kasiguraduhan kung totoo nga ba pero nahulog pa rin siya. Ilang araw na rin niyang napapaginipan ang isang lalaki na lagi niyang kasama noon pero hindi niya naman kita ang mukha nito kaya palaisipan pa rin sakanya ang lahat. Dahil kada makikita niya na ang mukha ng lalaki ay nagigising maman siya. " Sir Ashton may-" Akala niya ay si Ashton ang dumating ngunit ang babaeng may gusto pala dito. Si Nikita. " Where's Ashton?" Maarte nitong tanong. Bakit ganon kapag iba ang kaharap ay kay buti ng ugali nito?pero bat iba ang ipinapakita nito sakanya. Mukha nasa loob ang kulo ng babae. " Lumabas lang po." Magalang niya pa ring sagot. " Hindi ka ba nahihiya?" Tanong at hinead to toe siya. " Bakit naman po ako mahihiya?" Balik niya sa babae. " Dahil nilalandi mo ang boss mo." Mabilis nitong sagot. " Hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Anang niya. " Oh please don't pretend. Mas gusto ka pa nga ata ni Ashton kaysa pamilya niya. Hindi mo ba alam na sobra sobra ka niyang ipagtanggol sa family niya na to the point na nababastos na niya ang daddy niya." Pagkukwento nito. Hindi naman niya sigurado kung nagsasabi ba ito ng totoo o gumagawa lang ng kwento. " Wala po akong pakialam sa sinasabi niyo. Hindi nga ako sigurado kung nagsasabi kayo ng totoo. " Matapang niyang sagot sa babae. " Oh so wala kang pakialam kung magkasira si Ashton at ang family mo sabagay ang alam mo lang naman ay gumawa ng paraan para makabangon sa kahirapan, diba yun ang pakay mo? " Pangmamaliit nito sa kanya. " Hindi ko po kasalanan kung may gusto sa akin sir Ashton at sa inyo ay wala. Saka bakit parang threaten kayo sa akin, kung tutuusin ang lahat ng meron kayo ay wala ako. " Hindi hahayaan ni Misty na basta na lang siyang maliitin at hindi siya lumalaban. " Abat ang kapal talaga ng mukha mo noh? Sobrang taas naman ng self confidence mo. And you know what sa tingin mo ba bagay kayo ni Ashton? Walang wala ka kumpara sa akin." "Atleast hindi po magkapareho ang ugali natin. Minamahal din po ang isang tao hindi dahil sa yaman kundi sa kagandahan ng puso." Kaya mas lalong kumulo ang dugo nito sakanya. Sasampalin na sana siya ng babae nang may humawak sa kamay nito. " Bitawan mo ang kamay ko Ashton. Inuubos ng babaeng to ang pasensya ko. " Sigaw ni Nikita. Pabalyang binitawan ni Ashton ang kamay nito. Sinenyasan siya ng lalaki na lumabas muna kaya naisip ni Misty na puntahan muna ang kaibigan niyang si Mary. Mukhang kailangan mag-usap ng dalawa. Natouch naman siya dahil dumating agad ang lalaki kaya hindi siya nasampal ni Nikita pero kung hindi naman ito dumating ay hindi naman talaga siya papasampal, ipagtatanggol niya ang sarili. " Hindi ako papakasal sayo Nikita. Itatak mo sa isip mo na hinding hindi kita magugustuhan at hinding hindi ko pakakasalan ang isang babaeng katulad mo." Pagbibitaw ni Ashton ng salita kay Nikita. Hindi niya na talaga nagugustuhan ang ginagawa ng babae. Sasaktan pa nito ang babaeng mahal niya. " And you think our parents will let that happened, na hindi tayo makasal Ashton? Sa mata ng daddy mo ay ako lang ang babaeng nababagay sayo ganundin sa mga kapatid mo. Kaya wala ka ng magagawa pa kundi tanggapin na lang na ako ang para sayo." Desperada na talaga ang babae kaya ano ano ang sinasabi. " The dream on, pero ito ang tatandaan mo sa sandaling saktan mo si Misty ay malalagot ka sa akin. Wala akong pakialam kung babae ka. Wag na wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko." Nasaktan yata ang babae sa sinabi niya kaya bigla na lamang itong umalis. Wala siyang pakialam kung nasaktan ito. Kung nasaktan man ito sa sinabi niya. Nagsabi lang naman siya ng totoo. At pinanindigan niya lang naman ang nararamdaman niya. Kaya para sakanya ay wala namang mali doon. At oo nga pala iimbitahin niya pala si Misty sa bahay nila dahil malapit na ang kanyang kaarawan at gusto niyang nandoon ito. Well sigurado namang maraming pupunta dahil sa madaming kakilala ang mga magulang niya pero gusto ni Ashton na personal na imbitahin si Misty. Mas magiging espesyal ang kanyang kaarawan kung dadalo ito. Wala siyang pake sa iisipin ng ibang tao. Sa sasabihin ng kanyang ama ang gusto niya lang ay makasama ang babae sa isa sa espesyal na araw ng kanyang buhay. Dahil si Misty ang kumukumpleto sakanya. Ito lang. Wala ng iba
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD