_MISTY_
Masaya akong nakikipagkuwentuhan kay Mary at Duke. Sila lang naman ang kaclose ko sa kompanya na ito. Ang iba ay may galit o inggit na sa akin dahil lahat daw ng atensyon ng boss namin ay nasa akin. Hindi ko naman kasalanan kung madalas ituon ni Sir Ashton ang atensyon niya sa akin. Ewan ko ba kung anong problema ng mga tao ngayon. Ang bilis mainggit.
Hanggang sa nakita kong pumasok ng canteen si Sir Ashton. Sa akin na naman nakatuon ang atensyon nito. Narinig ko pa ang pagbubulungan ng mga empleyado. At halatang ako na naman ang kanilang pinag-uusapan. Wala naman akong ginagawang masama at kasama ko lang ang mga kaibigan ko.
Nang biglang dumating ang babaeng may gusto kay Sir Ashton, yung naabutan ko na nakayakap sa kanya. Inirapan ako nito sa hindi malamang dahilan. Niyayaya nito si Sir Ashton sa kung saan. Pero bakit nga ba ako nakatingin sakanila? Ano bang pake ko? Wala dapat akong pakialam.
Nabalik lamang ako sa katinuan dahil kay Mary. Niyugyog ako nito.
" Ayos ka lang ba, Misty?" Tanong nito sa akin.
Ngumiti lamang ako.
Pati kasi si Duke ay nagtataka na rin.
" Alam mo may napapansin ako eh." Biglang sabi ni Mary sa akin.
" Ano naman yon?"
Hinihinaan namin ang aming boses upang hindi marinig ni Duke. Girls talk kung baga.
" Si Sir Ashton lagi ngang nakatuon ang atensyon sayo. Tignan mo oh." At tumingin ito kay Sir Ashton na nakatingin nga sa akin.
" nandyan naman si Ma'am Nikita pero bakit ikaw pa rin?"
" Ay ewan ko sayo. Kung ano ano ang iniisip mo." Yun na lamang ang nasabi ko.
" Pero girl bagay din naman kayo. Hays ewan ko habang ng hair mo eh. Ang daming nagkakagusto sayo."
Napailing iling na lamang ako.
Dahil sa pakikipagkuwentuhan ko kay Mary. Ay di ko na namalayan na nakaalis na pala si Sir Ashton at ang babae. Na ikinaluwag naman ng loob ko.
" Kayong dalawa anong pinagbubulungan niyo? Nalingat lang ako sandali eh. Hindi niyo na ko sinama sa usapan." Kunwari ay nagtatampong sabi ni Duke.
Tumawa lang kami ni Mary.
" Secret. Girls talk only." Sabi pa ni Mary.
" Kung ano anong itinuturo mo kay Misty, Mary. Bad influence ka talaga. " Naiiiling na sabi ni Duke. At nag-asaran ang dalawa.
" Will you stop bothering me, Nikita?" Galit na tanong ni Ashton kay Nikita.
" Ayoko, Ashton. Sa ayaw at sa gusto mo susundan kita. Palagi ko iyong gagawin. " Nagmamatigas na sabi ng babae sakanya.
Palagi na lamang siyang pinupuntahan nito at ang palaging idinadahilan ay ang daddy niya.
" Can't you just accept it? Hindi kita gusto!" Sigaw niya pa sa babae.
" And sino ang gusto mo? Ang babaeng hindi ka maalala? O maaalala ka pa nga ba?"
Nakikita niyang lumalabas na ang tunay na ugali ng babae. Hindi ito kasingbait na gaya ng pagkakakilala rito ng nakararami. Ang mga kapatid niya ay hinahangaan ito dahil mabait daw ang babae kaya paano na lang pag nakita nang mga kapatid niya ang tunay na ugali nito?
" Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, Nikita. Kaya pwede ba ay umalis ka na."
Pilit na pinapakalma ni Ashton ang sarili baka kasi masaktan niya lang ang babae.
" Aalis ako ngayon. Pero hindi mo mababago na ako ang gusto ng pamilya mo para sayo at ang hindi ang Misty na yon na hindi ka naman maalala. " Sabi nito at umalis na nga.
Paano niya naman magugustuhan ang babaeng ganon kasama ang ugali? Na sa harap ng iba ay nagpapanggap na anghel sa kabaitan.
Pinakalma na ni Ashton ang sarili dahil alam niyang pabalik na si Misty at hindi nga siya nagkabalik. Pumasok na ito ng kanyang opisina. Parang natakot pa nga ito dahil sa kanyang ora.
Samantalang si Nikita ay naiiinis dahil hindi siya magawang magustuhan ni Ashton at hindi man lang mapagtuunan ng pansin.At ang babaeng iyon pa rin na hindi ito ang maalala ang gusto ng lalaki.
Ano bang meron ang Misty na yon na wala na siya? Mas lamang pa nga siya sa Misty na yon. Ni wala nga itong maalala.
" Mukha naman pong gustong gusto kayo ni Ma'am Nikita bakit hindi niyo na lamang po suklian ang nararamdaman niya para sa inyo?" Hindi alam ni Misty kung ang kat*ngahan na pumasok sa utak niya at itinanong niya iyon sa kanyang boss. Ang t*nga niya talaga. Sino ba siya upang magbigay ng kanyang opinyon ukol sa buhay nito diba?
" Dahil may iba akong gusto. " Sagot ng lalaki sa kanya.
" Magtatrabaho na po ako." Iyon na lamang ang kanyang sinabi.
Hanggang sa wala nang umimik sa kanilang dalawa. Pero nakikita niya sa kanyang peripheral version na nakatingin ito sa kanya.
Paulit ulit na sinabi ni Misty sa sarili na huwag na huwag siyang titingin. Ngunit hindi niya na talagang napigilan.
Kaya nagtama ang mga paningin nila. At sa mga oras na yon ay may kakaiba siyang naramdaman. Ngunit kaagad din nabalik ang kanyang diwa nang may tumawag sa kanyang Sir Ashton at bigla na lamang nitong pinutol ang pagtitingin nila at lumabas ito ng opisina.
Napahawak na lamang si Misty sa kanyang dibdib. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Muli niya na lang tinuon ang sarili sa pagtatrabaho upang isawalangbahala ang lahat.