Chapter 4

847 Words
Hindi nagustuhan ni Ashton ang nadatnan niya ng makauwi siya sa kanila. Nandoon kasi si Nikita at ang nakakainis pa ay kakuwentuhan nito ang magulang niya at close rin ito sa mga kapatid niya. Nahahalata niyang kinukuha talaga ng babae ang loob ng kanyang pamilya. " Kuya binili ako ni ate Nikita ng make up Kit. Gosh. Ang ganda ganda." Sabi ni Ashtine sa kanya. Samantalang si Ashley ay tuwang tuwa rin. Kitang kita niya ang lawak ng ngiti ng babae halatang masaya ito sa ginagawa. Marahil ay umaasa na sa mga ginagawa nito ay makukuha siya na napakalabo naman mangyari. " Sa taas muna ako." Walang gana niyang sabi. " Hindi man lang ba kayo mag-uusap ni ate Nikita? Kuya your so harsh naman." Wika ng kanyang kapatid. Ngunit hindi niya na lamang pinansin iyon. Nakangiti si Nikita dahil sa nakikita niyang gustong gusto na siya ng kambal na kapatid ni Ashton. Gustong gusto pa nang dalawa ang binigay niya. " Ate Nikita do you think na gusto ka na rin ng kuya namin?" Tanong sa kanya ni Ashtine. " I think so. Madali naman akong magustuhan diba?" Ngiti niya pang tanong. " Ofcourse ate. Kaya nga gustong gusto ka namin eh." Sagot nito sakanya. Mas lalong nagbunyi ang loob ni Nikita. " Tita san po ba ang kwarto ni Ashton?" Pagtatanong niya sa mommy ni Ashton. " Bakit Hija? May importante ka bang kailangan sabihin sa anak ko? " Sa tingin niya ay sa ginang siya mahihirapan mukhang sa mga kapamilya ni Ashton ay ito ang may ayaw sakanya. " I just want to talk to him, Tita. " Magalang niyang sagot. Hindi niya pwedeng ipakita ang kanyang tunay na ugali sa ginang. " Just wait in here. Tatawagin ko." Nang makaalis ang mommy ni Ashton ay napairap na lamang si Nikita. Nakakainis. Binuksan ni Ashton ang pintuan nang may kumatok. Isasarado niya sana ulit yon at sasabihin na wag siyang istorbohin pero ang mommy niya pala iyon. Kaya nilakihan niya ang bukas ng pinto. " Umalis na?" Pagtatanong niya sa ina tungkol kay Nikita. " Nasa baba gusto ka ngang puntahan dito para makausap." Sagot nito sakanya. " Ayoko sa babaeng yon, mom." Pag-amin niya sa kanyang mommy. Dito lang talaga siya nakakapagsabi ng totoo. " Mahal na mahal mo talaga si Misty? Hindi ka pa rin sumusuko at umaasa pa rin na maalala ka niya." " Ofcourse mom! Kaya maghihintay ako kahit gaano pa katagal. " " Pero paano kung magkagusto na siya sa iba?" " Then I'll do everything mom! Misty is mine." Mariin niyang sagot. " Just don't force her. Baka imbes na maalala ka niya ay mamuhi siya sayo." Paalala nito bago umalis. " Si Ashton po? " Nagtaka si Nikita dahil hindi kasunod ng ginang si Ashton. " He doesn't want to talk to you. Kailangan niya daw pahinga." " Okay Tita I'll just come back some other time." Sagot niya sa ginang at nagpaalam na aalis na. Ngunit nang makatalikod ay napairap na lamang siya. " Bye ate Nikita!" Paalam sakanya ng kambal na kapatid ni Ashton. Hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang Tito Gray dahil may ginagawa ito. Well kahit ano naman ang gawin niya ay gusto siya nito para kay Ashton. Samantalang si Misty ay nasa tinutuluyan niyang apartment. Kung ano ano ang sumasagi sa isip niya. Hindi nga siya makapag focus sa paglilinis. Eh may trabaho pa rin siya bukas at may mga kailangan din tapusin. Kaya pinipili niyang magpahinga. Hinihiling niya na sana ay wag nang mabaling pa ang atensyon ng kanyang boss sa kanya at ibaling na lang nito ang atensyon sa babaeng may gusto dito. Upang hindi magulo ang buhay niya. Gusto niya ng tahimik na buhay. Iyong wala siyang kaaway. Sumapit ang dinner ay nagcup noodles na lamang siya dahil tinatamad talaga siyang magluto at ayos na naman sakanya ang ganon. Patulog na sana siya nang may tumawag. Si Duke lang pala. Dalawa lang naman ang pwedeng tumawag sa kanya. Si Duke o kaya si Mary tapos minsan ay puro chismis lang naman ang sinasabi sa kanya ni Mary. " Sorry tumawag pa ko. Gusto lang kita kamustahin." Tila nahihiya pang sabi ng lalaki sa kanya. " Ayos lang." Agaran niyang sagot. " May gusto lang sana akong itanong sayo." Mukhang nagdadalawang isip pa ang lalaki at di sigurado. " Ano ba yon?" " Ah wala next time na nga lang. Good night and sweet dreams. See you sa kompanya bukas." At bigla na lang nawala ang kausap niya. Ang gulo talaga. Bakit ba kasi hindi na lang nito sabihin para namang hindi sila magkaibigan. Si Ashton naman ay hindi makatulog. Paano kung nahulog na ang damdamin ni Misty sa Duke na yon? Paano na siya? Hindi niya kakayanin kung makikita niyang masaya sa iba si Misty. Para siyang pinapatay noon sa sakit. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang mommy ay huwag niyang daanin sa dahas ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mawala na ang takot ni Misty sa kanya. Upang bumalik ang dati nilang turingan sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD