Chapter 5

858 Words
Pumunta si Nikita sa opisina ni Ashton ngunit hindi niya naabutan doon ang lalaki si Misty ang nakita niya. Gustong gusto niya awayin ang babae at sabihan ng bad words pero pinigilan niya ang sarili hindi pa iyon ang tamang panahon. May tamang oras para sa lahat ng bagay ayaw niyang magpadalos dalos ba lang. " Where's Ashton?" Pagtatanong niya sa babae. " Lumabas lang po kanina may kakausapin lang na empleyado." Magalang na sagot nito sa kanya. Maya maya pa ay dumating na si Ashton mabilis siyang lumapit sa lalaki at yumakap. Hinalikan niya pa ito sa labi. Sinadya niya talaga yon. Kaya hindi na siya nagulat ng bigla siyang itulak ni Ashton at tumingin ito kay Misty. " Ayos lang ituloy niyo lang po ang ginagawa niyo. Lalabas muna ako." At umalis nga ito sa loob ng opisina. Napangiti naman siya. Samantalang si Ashton ay sobrang kunot ang noo. " What do you think your doing!?" Tanong nito sa kanya. Kulang na lang ay saktan siya nito sa sobrang galit. " Soon Ashton lagi ko na yung gagawin sayo. I'll be your wife soon." Nang-uuyam niya pang sabi sa lalaki. " F*cking no I will not f*cking marry you. Dream on Nikita. " Tila diring diri pa nitong sabi. " Ofcourse you are. Sa tingin mo san pupunta si Misty? Wala ka ng pag-asa Ashton. Just accept that. " Muli niyang hinalikan ang lalaki sa pisngi si Ashton bago umalis doon. She can't help but to smile. Paglabas niya ng opisina ay nakita niya si Misty na kausap ang isa pang empleyado na lalaki. Hindi niya na napigilan ang sarili na kuhanan ang dalawa. Soon magagamit niya ang mga picture na yon. Bumalik din si Misty sa opisina ng Sir Ashton niya. Naabutan niya itong ginugulo ang sarili nitong buhok. Mukhang nag-away ito at ang babaeng yon at mukhang madadamay siya. " San ka nagpunta?" Agad nitong tinuon ang atensyon sa kanya. " May kinausap lang. Alangan naman magstay po ako dito. Habang gumagawa kayo ng kababalaghan ng girlfriend niyo." Pabalang niyang sagot. At tsaka totoo naman. Alangan naman panoorin niya ang dalawa. " She's not my girlfriend." Ito na naman ang linyahan nito. " Wala po akong pake kahit ano pa kayo. " Sagot niya ulit bago binalik ang sarili sa pagtatrabaho. Nagpanggap na lang siya na wala ito sa loob at tinitignan siya. Masaya siya na mabilis niyang natapos ang presentation. Kaya maaga siyang makakapaglunch. Gusto niya nang makakwentuhan si Mary at Duke. Akmang lalabas na siya para puntahan ang dalawang kaibigan pero hindi siya hinayaan ng kanyang Sir Ashton. " Sa akin ka sasabay." Parang utos iyon at wala siyang choice. Kakaisip niya pa lang ng dahilan at may balak na sabihin pero hindi niya na natuloy dahil muli itong nagsalita. " Ilang beses mo na kong tinanggihan but not now." Saad nito. Napaawang ang kanyang labi. Hindi alam ang sasabihin. " Ayoko sa mga mamahaling restaurant kaya sasabay na lang ako sa mga kaibigan ko." Sabi niya. Nagulat siya ng napahampas ang lalaki sa mesa. Bigla siyang natakot. Napansin naman iyon ng lalaki. Kaya ikinalma nito ang sarili. " Then hindi tayo maglulunch sa ganoon. " Sabi pa nito. Natagpuan niya na lang ang sarili na kumakain sa isang karinderya at kasama niya ito. Wala nga itong kaarte arte o baka nagpapanggap lang sa harap niya. " Wag mo kong titigan. Kumain ka na." Bigla tuloy siyang napaiwas ng tingin. Nakatingin lang naman siya pero hindi niya ito tinitigan masyado itong assumero. " Boyfriend mo ba itong kasama mo Hija?" Tanong ng babae na may ari ng karinderya. Sasagot na sana siya. Pero inunahan siya ng kanyang Sir Ashton. At di niya inaasahan ang isasagot nito. " Yes ate bagay kaming dalawa diba?" May ngiti pa ito sa labi. At mukhang tuwang tuwa sa sinasabi. " Oo naman. Bagay na bagay. Sigurado ako na kapag nagkaanak kayong dalawa at sobrang ganda o gwapo." Muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi ng babae mabuti na lang at mabilis siyang naabutan ng tubig ng kanyang boss. Ano bang klaseng usapan yon? At tsaka hindi naman sila. Anong pinagsasabi ng mga ito. " Oh tignan mo Hija. Asikasong asikaso ka pa. Bihira na lamang ang ganyang mga lalaki. Kaya mag isip isip ka kung pakakawalan mo pa." Sasabihin niya na sana ang totoo kaso bigla itong umalis. Tumingin siya sa lalak at sinamaan ito ng tingin. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at tatawid na sana siya para bumalik sa kompanya dahil nasa kabilang kalsada lang sila. Nang bigla na lang may brasong pumalibot sa bewang niya. " I'm assuring your safety kaya wag mo akong tignan ng ganyan." At ayun nga tumawid na sila. Napapadyak na lang siya at naunang maglakad. Samantalang si Ashton ay napapangiti. Okay lang sa kanya na tinatarayan siya ni Misty atleast ay pinapansin siya nito. At tsaka nagsisimula pa lamang siya. Muli niyang kukunin ang loob nito. Gagawa ng mga bagong memories kasama ito at Masasayang moments kasama ang babaeng kanyang pinakamamahal. Iyon lamang ang importante sa kanya at hindi ang kung ano anong sinasabi ng mga tao sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD