" Bakit hindi ka sumabay sa amin kanina?" Pagtatanong kay Misty ng kaibigan niya.
Wala itong tigil sa kakatanong na para bang gusto nitong malaman ang lahat. Ayaw pa ngang maniwala sa mga sinasabi niya.
" Busog nga ako kaya di ako naglunch." Sagot niya na lang.
" Swerte mo Misty ha kasabay mo pa kanina kumain ang CEO. Siguro niyayaya mo pa diyan sa karinderya sa harapan dahil hindi ka sanay sa mga mamahaling restaurant,cheap." Sabibng isa sa mga empleyado nang makita sila na nag-uusap
" Cheap agad porket sa karinderya lang kumain? "
Hinawakan niya sa braso si Mary at sinabing wag na nitong patulan ang babae pero ayaw talaga papigil ng kaibigan niya. Masyado talaga itong matapang eh. Siya minsan lang.
" Oo cheap parehas kayo ng kaibigan nga cheap. " Sabi pa ng isang babaeng empleyado.
" Eh bat ikaw? Cheap din naman ang ugali mo. Kaya bat ka natanggap dito ha? Tsaka yang mukha mo gaganda ba yan kung walang make up?" Taas kilay pa na sabi ni Mary sa babae.
Na wala na lang nagawa kundi umalis dahil wala ng masabi.
Tumawa naman si Mary dahil napaalis nito ang nanghahamak sa kanya.
" sana hinayaan mo na lang. " Sabi niya sa kaibigan.
" Anong hayaan? Na ginaganon ka? Siyempre kaibigan kita hindi kita hahayaan na ganun ganun ganunin lang ng kung sino." At napairap pa ang kaibigan niya sa hangin.
" Si Duke pala?"
" Ah si Duke. Ayon ang daming ginagawa. Sabi nga sa akin ay sabihan ko daw sayo na babawi na lang daw siya. " Sagot ni Mary sa kanya.
" Ah okay. " Pero ang totoo nagtataka siya kasi kanina sabi nito sa kanya ay tapos na ito ss ginagawa.
Pero ang ipinagtataka niya bakit mas madami itong ginagawa kumpara sa ibang empleyado.
Maya maya ay nagtaka siya kung bakit napatingin si Mary sa kanyang likuran at parang hindi ito makapagsalita o hindi masabi ang gustong sabihin.
" Sige bess balik na ko sa trabaho ko. Mukha naman nabusog ka sa lunch mo kanina." Weird na sabi ng kanyang kaibigan bago ito umalis sa kanyang harapan.
Nagulat naman si Misty dahil sa pagharap niya sa kabilang direksyon ay nandoon pa lang ang kanilang boss.
" Nakipagkwentuhan lang ako sa kaibigan ko. " Ewan niya na kung bat niya sinabi yon.
" Im not saying anything."
Parang napahiya siya doon.
Kanina ay kausap niya pa si Duke at wala itong masyadong ginagawa sabi nito dahil natapos na nito agad tapos ngayon madami na itong ginagawa. Ang weird talaga eh.
Bumilis ang oras at uwian na.
" Ihahatid na kita. " Sabi ng kanyang sir Ashton
" Pumayag na po ako kanina na sabayan kayo."
" Hindi ka pumayag kanina pinilit kita." Pangangatwiran nito.
" Alam niyo naman pala eh. Ngayon gusto sabihin sa inyo na ayoko. At may mga kaibigan naman ako na makakasabay. " Sabi niya pa.
" Malalate sila ng uwi. "
" Huh? Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
" May pinapagawa ako sa lalaking yon at kapag hindi niya natapos ay magpatulong na lang siya sa isa pang kaibigan niyo. " Walang pagdadalawang isip na sagot nito sa kanya.
" Bakit silang dalawa ang pinagagawa mo ng marami? Marami pa namang ibang empleyado ah. " Angal niya.
" Are you saying that I'm not being fair? " Pagtatanong nito. Hindi naman nakasagot si Misty dahil ito nga pala ang boss. Kaya may karapatan ito na mag-utos sa mga empleyado at wala siyang karapatan na pakialaman yon.
" Kaya kong umuwi ng mag-isa." Sabi niya na lang.
" As if I will let that happened. Ihahatid kita sa ayaw mo at sa gusto. No more buts, baby." Sabi pa nito may ngiti sa labi. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o ano eh. Pero hindi siya pwede magpadala sa mga ngiti nito.
Tahimik lang si Misty habang nasa byahe. Kung hindi pa nga siya magtatanong at kailangan nito sumagot ay hindi magsasalita ang babae. Pero wala naman siyang magagawa hindi niya pwedeng pilitin ang babae. Iniintindi na lamang ni Ashton ang babae.
Nang bigla itong may tawagan. Ang mga kaibigan ata nito. Gustong gusto niyang agawin ang cellphone nito pero di niya magawa baka kasi magalit. Lalo pat alam niya kung sino ang kausap nito. Walang iba kundi ang Duke na yon.
" Mabuti naman at matatapos na kayo." Anito pa nito sa kausap.
Gusto niyang kuhanin ang atensyon ng babae pero hindi niya magawa.
" Kanina sinong kasabay ko?"
Akala niya ay magsisinungaling ito pero sinabi nito ang totoo sa kausap.
" Si Sir Ashton may lunch meeting kasi. " Pero hindi niya nagustuhan ang huli nitong sinabi na nagdahilan pa ito. Pero inintindi niya na lamang.
Hanggang sa naihatid niya na ito.
" Naihatid niyo na po ako. Sanay masaya na kayo." Sabi nito.
" Ofcourse I am. Tomorrow too ako ang maghahatid sayo."
" Huh? Hindi na bukas!" Angil nito. Pero may ngiti siya sa labi na nagpaalam dito. Ofcourse he make sure na safe ito bago niya ito iwan at umalis.