Hindi maganda ang mood ni Misty nang makarating sa kompanya. Halos hindi siya makatulog noong gabi dahil sa kakaisip kung bakit ginagawa ng kanyang boss ang mga bagay na na yon. Bakit siya nito hinahatid?
Tapos uulitin pa daw nito. Iritang irita siya nang makapasok sa elevator. Pasarado na sana iyon nang may kamay na humarang. At ang boss niya na naman. Napangiti pa ito ng makita siya. O nakita talaga siya nito na pumasok ng elevator? Hindi na lamang siya nagsalita.
" So how's your sleep?" Pagtatanong nito pero nililibang niya ang sarili at kung saan saan ibinabaling ang kanyang tingin. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaki.
" I'm asking so you should answer. It's just a simple question." Sabi pa nito.
" Ayos lang." Sagot niya.
" Ano yung ayos lang? You should specify it." Pagkukulit pa nito.
Ikinakalma niya lang ang sarili dahil boss niya ito bawat niyang pagsalitaan ng masama.
" Nakatulog ako nang maayos." Muli niyang sagot.
" Hindi halata. Mukhang nagsisinungaling ka."
Inis niya na itong hinarap.
" Anong gusto niyong malaman?" Pagdidiretsa niya na.
" Mukha kang walang tulog. Why?"
" Wala na kayo don. Please wag din kayo makulit. " Sabi niya na lang dito.
Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.
Tumigil na ang elevator sa floor nila. Una itong lumabas kaya sumunod na lamang siya.
Napatigil si Misty sa paglalakad dahil may tumawag sa kanya.
Si Duke pala may ngiti ito sa labi.
Napatigil din sa paglalakad ang boss nila dahil nararamdaman nito na hindi na siya sumusunod sa paglalakad.
" Goodmorning po Sir." Bati ni Duke sa lalaki na seryoso lang ang mukha.
" Goodmorning too. Make it fast Misty." Sabi nito at umalis na doon.
Napaawang ang labi niya. Bakit siya nito tinawag sa pangalan niya? Sa harap pa talaga ni Duke.
" Mukhang good mood ang boss." Sabi sa kanya ni Duke.
" Ano bang sasabihin mo?" Pagtatanong niya sa lalaki.
" Pwede bang sabay tayo maglunch mamaya? Yung tayong dalawa lang. May kasabay naman si Mary." Nahihiya pa nitong tanong.
" Ano ka ba oo naman. Pero matatapos mo kaya agad ang mga trabaho mo?"
" Ako pa. Siyempre oo naman. Gusto kitang makasabay eh."
" Ewan ko sayo ang lakas talaga ng tama mo eh noh. " Natatawa niya pang sabi sa lalaki.
" Tama? Malakas talaga tama-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bumalik ang kanyang Sir Ashton at muli siyang tinawag dahil madami daw siyang gagawin kahit wala naman talaga. Mukhang ayaw lang talaga na kausap niya si Duke.
Kaya pabulong bulong siya habang nakasunod dito hanggang sa makarating sila sa opisina nito.
" What's with that face?" Nang-uuyam pa nitong tanong.
" Ewan ko sayo." Mahina niyang sabi at nagtrabaho na sa kanyang mesa.
Narinig niya pa ang mahina nitong pagtawa.
Tuwang tuwa ata na naiinis siya.
Maya maya pa ay may dumating na delivery.
" Did you eat breakfast? " Pagtatanong nito.
" Tapos na." Pagsisinungaling niya dahil kapag umaalis siya ay hindi naman talaga siya nag-aagahan dahil sayang ang oras.
" You're not really good at lying."
" Busog ako."
" You're not, baby."
Wala na siyang nagawa nang ilapag nito ang paperbag sa kanyang mesa at sinabing kainin niya iyon at hindi daw siya pwede magtrabaho hanggat hindi siya kumakain.
Habang pinagmamasdan si Misty na kumakain ng breakfast na pinabili niya ay hindi maiwasan ni Ashton ang mapangiti. Pero sa tuwing titingin ito sa gawi niya ay ibinabaling niya sa iba ang tingin. Halatang halata na talaga siya.
Mukhang araw araw ng good ang morning niya dahil makuha niya lang ang atensyon nito ay masaya na siya. Mainis o mapangiti niya lang ito ay masaya na rin siya at paglaanan lang siya ng tingin ng babae ay nagsasaya na ang puso niya. Tila bumabalik ang lahat sa dati.