Gusto ni Ashton na siya ang makasabay ni Misty sa lunch kaya pinadagdagan niya ang ginagawa ng Duke na yon. Ayaw niyang makita na naman na magkasama ang dalawa. Kaya hindi makakapaglunch ng sabay ang dalawa.
" Let's go." Oras na ng tanghalian kaya niyayaya niya na si Misty.
" Huh?" Taka nitong tanong.
" Halatang di kayo magsasabay ng Duke na yon." Inistraight to the point niya na talaga upang maintindihan nito.
" Bakit naman? Pinadagdagan mo ba ang ginagawa niya ha? " Kunyari ay galit nitong tanong.
Natawa ng mahina si Ashton, ang cute naman nito magalit. Bakit imbes na matakot ay natutuwa pa ata siya dahil sa mas lalo itong gumaganda sa kanyang paningin.
" Why would I do that? Hindi yon magiging fair sa iba. Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan baby." Natatawa niya pang sabi sa babae.
Halata naman sa mukha nito na hindi ito naniniwala sakanya. Napailing iling na lamang si Ashton. Siyempre iintindihin niya ito kahit na anong mangyari dahil mahal niya ito.
" You don't want to go outside? Pwede naman ako na magpadeliver dito." Suhestiyon niya pa.
" Kasabay ko ang kaibigan ko." Nagmamatigas nitong sabi.
" Who? That guy is busy and you're friend Mary may kasabay na siya." Ngiti niya pang sabi.
" Then hindi ako maglulunch! Ganon lang yon" inis pa nitong sabi sa kanya at halatang aburido na talaga dahil nakakunot na ang noo at konti na lang ay mukhang sasabog na.
" That's your choice, baby. But if you'll get hungry it's not my fault." Nangongonsensiya niya pang sabi.
" Kumain naman ako ng breakfast kanina at isa pa ibinili mo ko kanina diba?"
" Iba ang breakfast sa lunch you should eat those two so you'll gain energy."
Pakiramdam ni Ashton ay isang salita niya pa ay masisigawan na siya ng babae.
" Oo na! Ang dami mong sinasabi."
Para ngang hindi na sila magboss ang usapan nilang dalawa ay hindi na para sa isang boss at secretary. Para silang jowa na nag-aaway.
Habang naglulunch sila ng kanyang Sir Ashton ay tahimik lamang si Misty. Sa totoo ay gutom naman talaga siya pero ayaw niya lang na ito lagi ang kasabay dahil naiirita talaga siya para kasing gumagawa talaga ito ng paraan para sabay sila.
Tumunog ang cellphone niya sasagutin niya na sana yon pero pinatay ng lalaki ang tawag saka muling nilapag sa table ang kanyang cellphone which is hindi niya nagustuhan. Ayaw niyang pinapatayan ng tawag ang mga kaibigan niya.
Muling tumunog ang kanyang cellphone. Papatayin nito sana ulit iyon pero inagaw niya na ang cellphone dito. Saka siya tumayo upang sagutin ang tawag na iyon.
" Sorry Misty hindi pala tuloy marami pa kasi akong hindi natatapos." Sabi ni Duke sa kabilang linya. Na patingin siya sa kanyang Sir Ashton na tahimik lamang na kumakain at mukhang pinipigilan nito ang pagngiti.
" Alam mo nakakainis ka talaga noh!" Pagsugod niya sa lalaki dahil sa di mapigilang inis.
" I'm not doing anything baby." Pagtatanggol pa nito sa sarili.
" Ang lakas ng tama mo bakit mo pinapahirapan ang kaibigan ko ha?"
" Its their work."
" Hindi pinapahirapan mo sila! " Sigaw niya pa sa lalaki.
" Think what you want.and besides you won't listen to me. So think what you want.".Anito kaya bigla siyang natahimik.
Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng opisina nito.
Iniluwa noon ang isang magandang ginang.
" Anong nangyayari dito?"
Hindi siya nakaimik at nakapagsalita. Ito ang ina ng boss niya.
" Labas po muna ako. " Pagpapaalam niya sa kanyang Sir Ashton ngunit hindi siya nito hinayaan at hinawakan pa nito ang kanyang kamay.
Pero agad niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ng may tatlo pang pumasok. Napansin niyang kambal ang dalawa at ang isa naman ay si Nikita.
" Bakit hawak mo ang kamay niya, Kuya?" Takang tanong ng isa sa kambal.
Nakita niya rin ang panlilisik ng mata ni Nikita halatang di nito gusto ang nakikita.
" Secretary you should go outside first it's a family talk." Sabi ni Nikita at nagpekeng ngiti pa. Sumang ayon naman ang sa tingin niya ay kambal na kapatid ng kanyang boss.
" And you're not a family so ikaw dapat ang lumabas, Nikita." Sabi ng kanyang Sir Ashton sa babae.
" Kuya stop treating ate Nikita like that!"
Pakiramdam niya ay mag-aaway ang mga ito nang dahil sa kanya.
Kaya nagulat na lamang si Misty ng hawakan ni Ashton ang kanyang kamay at umalis sila sa opisina nito. Iniwan nila ang mga tao roon. Pagkalabas nga nila ng opisina ay nakatingin ang ibang empleyado. At yung iba ay halatang may sama ng loob sa kanya or inggit dahil nagbubulungan pa ang mga ito.
Kaya pilit niyang binabawi ang kanyang kamay na hawak ng kanyang boss ngunit hindi nito hinahayaan na makawala siya dito.
" I will never let you go."