Chapter 10

803 Words
Masaya si Misty na bumalik din sila agad sa kompanya. Pinauna pa siya ng lalaki na pumasok sa kompanya dahil may tumawag dito at kailangan muna nitong sagutin iyon. Hindi niya inaasahan na may haharang sa kanya. Isa sa mga empleyado. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Halatang sinusukat siya. Minamaliit siya. Na hindi niya naman nagugustuhan. " Anong tingin mo sa sarili mo?" Tanong pa nito " Hindi ko alam ang sinasabi mo." Yun na lang ang kanyang sinabi. " Nagkukunwari ka pang walang alam sa ginagawa mo. Inaakit mo lang naman ang CEO. Tapos aacting ka na feeling innocent. Ang galing mo naman girl. " Sabi pa sa kanya ng babae. Batid niya na kung ano ang tinutukoy nito. Hindi naman mahina ang utak niya. " Hindi ko Inaakit ang CEO. Wala akong ginagawang masama. " Aniya. Lalagpasan niya na sana ang babae pero hinawakan nito ang kanyang buhok at hinila iyon. Ang ibang mga empleyado ay nakatingin lamang at walang balak na tulungan siya at yung iba nga ay pumapalakpak pa at natutuwa sa ginagawa ng isa. " ayan maharot kasi." Sigaw ng isa. " Akala mo naman mas lamang ka kay Miss Nikita. Nanaginip ka ata ng gising." At tumawa ito. Pilit niyang binabawi ang kanyang buhok pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng babae upang mas lalo siyang masaktan. " Ano yang ginagawa niyo. Bitawan mo ngayang kaibigan ko. " Akmang tutulungan siya ni Mary pero may humawak dito na dalawang babae upang hindi ito makalapit. Maya maya pa ay may lumapit naman na dalawang babae. Upang hawakan siya. Wala ng nakasabunot sakanya. Ang babaeng humarang sa kanya ay may hawak na plastic bottle na may lamang tubig. " Para naman magising ka na sa panaginip mo. Anong akala mo sa sarili mo? Isang Disney princess?" At malakas itong tumawa. Ang iba ay tumawa din. Hiniling niya na sana ay pumasok na ang kanyang Sir Ashton upang may magtanggol sa kanya ngunit wala ito. Mukhang umalis. Naramdaman na lang ni Misty na may tumulong luha mula sa kanyang mga mata. Ngunit bago maibuhos ng impaktang babaeng empleyado ang tubig sa kanya ay may humawak na sa kamay nito upang hindi matuloy ang binabalak nitong gawin. Si Duke " Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Wala namang ginagawa sa inyo si Misty." Sabi nito. " Sabihin mo diyan sa future jowa mo. Sabagay bagay kayong dalawa. Kayong dalawa ang bagay. Layuan niya ang CEO! At lumagay siya. Wag masyadong mataas ang lipad!" Mabuti na lang at natapos na ng lalaki ang ginagawa nito kaya natulungan siya. Napaiyak na lamang siya sa balikat ng lalaki. Sinabi nito na ihahatid na siya nito pauwi. " Bess mas makakabuti siguro kung magpahinga ka muna. Wag mong isipin yung sinasabi nila. Alam mo naman na hindi yon totoo. Iba talaga ang nagagawa ng inggit sa tao." Pangcocomfort sa kanya ni Mary. Gustong tumigil ni Misty ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit wala naman siyang magawa. Mas lalo pa siyang naiiyak. At lahat ng yon nararanasan niya dahil sa kanyang boss. Dahil sa kanyang Sir Ashton dahil sa pinaggagawa nito. Pagkatapos maihatid si Misty sa kompanya ay napaalis agad si Ashton dahil tumawag sa kanya ang flower shop. Yung flower shop na pinaayos niya ng flowers na ibibigay niya kay Misty. Pero pagdating niya sa kanyang kompanya ay wala doon ang babae. " Nasan si Misty?" Pagtatanong niya sa kaibigan nito. " Kasama si Duke hinatid sa bahay." Hindi niya nagustuhan kung paano sagutin ng babae ng tanong niya pero isinawalangbahala niya na lamang iyon. " Hindi pa tapos ang trabaho. Bat hinatid agad?" " Eh kasi pinagtulungan po siya ng ibang mga empleyado niyo. Sorry po sir ha. Pero umiiyak po yung kaibigan ko ngayon dahil sa mga pinaggagawa niyo!Puro kayo pakita ng motibo at hindi basta sabihin na lang kung ano yong gusto niyo! " At umalis na ito sa kanyang harapan. Tatanungin niya pa sana ang babae para sa iba pang detalye pero kahit di niya pala gawin yon ay malalaman niya naman ang lahat ang gagawin niya ang lahat upang kanyang malaman. Tinuloy nila ni Duke ang napostpone na lunch pero sa bahay niya nga lang. Ito pa nga ang nagluto sa kanya. Mabuti na lang at magaan na ang loob niya kaya tigil na siya sa pag-iyak. " Ayos ka na?" Pagtatanong sa kanya ni Duke. Tumango siya. " Hindi ka naman siguro naniniwala sa kanila diba?" Pagtatanong niya naman sa lalaki. " Hindi. Pero pansin ko lang na mukhang may gusto nga sayo ang CEO. Ang bigat pala ng kalaban ko." Sabi nito na may biro sa dulo. " Pati ba naman ikaw." " Halata kasi Misty. Halata na gusto ka niya. Hindi ka naman siguro manhid para hindi mo mapansin at maramdaman iyon. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD