NANG matunton ang gusali ay wala siyang sinayang na oras. Kailangan niyang mailigtas ang asawa. Inihinto niya sa di kalayuan ang sasakyan at mabilis ang kilos na bumaba. Maingat siyang lumapit sa gusali. Nakita niya ang isang lalaking may hawak ng container at ibinubuhos iyon sa pader ng gusali. Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran nito bago ito inundayan ng sipa. Bumalandra ang katawan nito sa pader. Dumadaing habang namimilipit ang katawan sa sakit. “Where’s my wife?” nagtatagis ang mga bagang na tanong niya dito. “H-huwag mo akong saktan. Napag utusan lang ako,” pagmamakaawa nito habang namimilipit pa rin sa sakit. “Where is she?” Hinawakan niya ang kwelyo ng damit nito. “N-nasa loob siya,” nakangiwing sagot nito. Akmang ilalabas nito ang baril ngunit pinaulanan niya ito ng tatlong

