“Pasensya na po talaga,” hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humingi ng tawad dito. Hindi siya matatahimik hangga’t alam niyang galit ito sa kanya. Hindi niya makalimutan ang hitsura nito nang gabi matapos niyang aksidenteng matapunan ito ng wine. “It’s nothing Lily. You don’t have to apologize over and over again,” iretableng sabi nito. “Don’t take it seriously hija,” sabad naman ng asawa nito. Binisita niya ang mga magulang ni Hugo nang araw na iyon. Minabuti niyang huwag ng isama ang asawa dahil ay niya ring makialam ito sa nangyari. “Gusto ko lang po sana makabawi sa nangyari. Kung ayos lang po ay gusto ko po kayong imbitahan na mag dinner sa bahay,” lakas-loob niyang alok sa mga ito. Gusto niyang makuha ang loob ng mga ito para na rin sa kanyang asawa. “Hindi naman kam

