After 7 months... NAKAUPO siya sa sofa habang nagbabasa ng pocketbook. Nakapatong ang kanyang dalawang binti sa ibabaw ng center table. Napapadalas ang pangangalay niyon simula nang bumilog ang kanyang tiyan. Hindi niya mapigil ang mapahikab. Dumulas sa kanyang kamay ang hawak na pocketbook. Ibinaba niya ang mga binti sa lapag at dahan-dahang umupo upang damputin ang libro. Nang tangkain niyang bumalik sa pagkakaupo sa sofa, naramdaman niya ang paghilab kanyang tiyan. "Hugo!" dumdaing na tawag niya. "Ah!" Kinagat niya ang ibabang labi. "What's going on?" Humahangos itong lumapit sa kanya. Nakasuot pa ito ng apron. "Manganganak na ako," namimilipit sa sakit na sabi niya. "You still have one week before the due date," kunot noong sabi nito. "Eh, kung gusto na ni baby na lumabas. M

