2. Flashbacks - First meet

1037 Words
Chapter Two "Daddy, I'm okay. Huwag n'yo na po akong sunduin. Magta-taxi na lang po ako pauwi. Ito na po. May taxi na po," agad kong pinara ang taxi. "Bye na, daddy. I'll call you later po." Nagpaalam na ako sa aking ama na kausap sa phone. Saktong hinto naman ng taxi sa tapat ko. Agad akong sumakay sa backseat. Dahil busy ako sa pag-upo at paglagay ng phone sa bag ay hindi ko napansin na may sakay rin pala sa backseat na agad nagtakip ng panyo sa ilong ko. Bago pa ako makasigaw o makahingi ng tulong ay agad nang umepekto sa akin ang matapang na gamot na pampatulog. Ang huli ko na lang na natandaan ay nakamaskara ang lalaking may gawa. Nang nagising ako ay nasa isang silid ako. Nakatali ang isang paa. Nakita ko ang bag ko sa gilid ng kama kaya naman dali-dali kong inabot iyon. Tinignan ang laman. Iyong phone na gamit ko kanina ay wala roon. For sure kinuha ng mga lalaking dumukot sa akin. Kaya naman wala akong magamit pang-contact sa pamilya ko. I'm scared. Obvious naman sa nanginginig kong kamay. Nang bumukas ang pinto ay napaatras ako sa labis na takot. "Maganda itong nadali namin. Tignan mo sobrang kinis. Baka pink na pink pa ang pekpek ng babaeng iyan," pumasok ang tatlong lalaki. Isa roon ay matandang may makapal na ginto sa leeg. "Sino kayo?" takot na tanong ko. Napaatras din ako pero hindi naman makaalis ng kama dahil nakatali ang binti ko. "Magkano ang bigay mo d'yan?" tanong ng matandang lalaki. "Pwede na ang 20k. Solid iyan. Mabango pa." Napatango-tango ang matanda. "20k? Ako na lang ang magbibigay sa inyo. Pakawalan n'yo lang ako. Parang awa n'yo na." Iyak kong pakiusap sa lalaking dumukot sa akin. "Ulol! Mga babae ngayon magpapanggap na may pera pero sa totoo lang naghihintay lang naman talaga ng lalaki na mahuhuthutan nila." Natawa pa ang mga ito. Umiling ako. Hinila ko ang bag ko at tinignan ang wallet ko. Puro cards lang. Walang cash. Hindi rin ako mahilig mag-alahas kahit pa tambak ang alahas ko sa bahay. Mukhang walang pera sa paningin ng mga ito ang itsura ko. "Call my dad," ani ko. "Kahit magkano ay tiyak kong ibibigay no'n sa inyo." "Ulol! Wala kang pera. Obvious namang katulad ka rin namin. Mas sure ang pera rito kay tanda." "No! No!" iyak ko. "Please! Use my cards," ibinato ko iyon sa paanan ng kama. "Walang limit ang mga card na iyan." "Hindi kami bobo. Kapag nag-withdraw kami d'yan ay makukuhanan ng CCTV ang mukha namin. Ginawa mo pa kaming tanga." "20k iyan? Mukhang palaban. Sige. Akin na ito." Lumapit ang matanda sa akin. Wala na akong maatrasan kaya nang abutin niya ako ay madali lang niyang nagawa. Hinawakan nito ang panga ko. Napaiyak ako sa pandidiri kahit pa lumatay pa lang sa balat ko ang kamay niya. Nanlalimig ako sa takot. "Stop! Stop! May pera ang magulang ko. Call them. Kahit milyon pa ang hingin n'yo ay tiyak kong ibibigay nila." "Mas masarap ka kaysa sa milyones, hija. Stop crying. Mamaya na lang kapag pinaliligaya na kita. Umiyak ka sa sarap." "Nooo! Help! Help!" malakas kong sigaw. Tumawa ang mga kalalakihan na para bang tuwang-tuwa sila na naririnig at nakikita akong nagmamakaawa. "Daddy! Mommy!" iyak ko. "Kahit sumayaw ka pa at marinig ng mga tao sa labas ay hindi ka nila tutulungan. Teritoryo ko ang lugar na ito," ani ng isang lalaki. Binuksan pa nga nito ang bintana at tumambad ang busy na eskinita. May mga dumaraan at napapatingin pero wala silang pakialam. "Parang awa n'yo na po... babayaran ko na lang po kayo. Please. Please." "Simulan mo na, boss. Masarap iyan. Batang-bata at makinis." Napadila pa ang isang lalaki sa labi niya na para bang natatakam din siya. "Noooo! Huwag po!" iyak ko. Hinila ng matanda ang binti ko. Sinubukan ko itong sipain pero parang mas ginanahan pa ito. "Daddy! Help! Daddy!" malabong dumating ang daddy ko. Pero ng mga oras na iyon ay iyon lang ang kaya kong bigkasin sa labis na takot. Maingay ako. Kaya siguro pinatikim sa akin ang isang nakabibinging sampal. Nagtawanan pa ang mga kalalakihan. Sinubukan ko pa ring lumaban. Nagpumiglas akong muli. Suntok naman sa tiyan ang inabot ko. Nang ibababa na ang pants ko ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "Help!" malakas kong tili. "Help me!" ang dalawang lalaki na kumidnap sa akin ay agad hinarang ang lalaking kararating. Nakita ko na lang na nagsusuntukan na sila. Habang ang matandang pilit hinihila ang pants ko pababa ay nagpatuloy sa balak niya. Kahit pagod na ako sa pagpupumiglas ay ipinagpatuloy ko pa rin. Nang bumagsak ang mga kidnapper ay lumapit naman ang lalaking nakasumbrelo sa matandang lalaki. Hinila niya sa buhok at isang malakas na suntok ang ipinatikim niya rito. "T-ulong!" luhaang ani ko para kunin ang atensyon ng lalaki. Lumapit ito sa gilid ng kama at kinalas ang tali sa paa ko. Inayos din nito ang saplot ko saka niya ako binuhat. Hindi naman nito nakalimutan kunin ang bag ko bago ako inilabas sa silid na iyon. Umiiyak ako sa takot. Ang estrangherong ito ang nagligtas sa akin sa kapahamakan. Paglabas ng bahay ay may mga armadong lalaki na naghihintay roon. Isinakay ako sa isang van. Nang umusad ang sasakyan ay mas lalo akong napahagulhol ng iyak dahil sa relief. "Stop crying, Corazon," masungit na ani ng lalaking superhero ko. Napatitig ako sa lalaki. "Kilala mo ako?" tanong ko rito. Pinunasan ko ang luha ko. Napangiwi nang kumirot ang pisngi. Malakas din ang sampal na natanggap ko kanina. Hindi ako sinagot ng lalaki. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero safe na safe na ang pakiramdam ko. "Sino ka?" tanong ko rito. Hindi ito sumagot. Nang naging pamilyar na ang daang tinatahak namin ay mas lalo akong naging panatag. Paghinto sa tapat ng mansion ang sasakyan ay agad bumaba ang lalaki. Inalalayan niya akong makababa. "I'm Luthean Luther Lucchetti," cold na ani ng lalaki. "Pumasok ka na, Corazon," utos nito kaya naman yumakap ako rito. "Thank you, Luthean. Thank you for saving me." Kaso hinawi ako ng lalaki saka siya muling sumakay sa van. Umalis na agad iyon pagkasara pa lang ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD