Eva
Maghahaponan na kaya kilangan ko ng bumaba
paikit naku papuntang dining area ng may nakita ako . Napataas naman ang kilay ko sa kanilang dalawa .
Oras ng trabaho naglalandian!!!
" Akala ko nag kakaintindihan na tayo about working hour ? " umangat naman ang tingun nya sakin pero agad din binawi . Napaikot naman ang mata ko dito.
kaylan ba sya makakausap ng matino?
" Nakikinig ka ba? o sadyang nag bibingihan ka lang? Eyes up here wala dyan ang mukha ko sa sahig " Tumingin naman agad ito sakin ,
Hmmm! scared .
" Second offense , wag mong pa abutin ng third " yun lang ang sinabi ko at iniwan na sya don .
Wala akong pakialam whoever is she . Gusto ko lang sabihin sa kanyan kung sino ako at kung ano ang lugar nya sa pamamahay ko .
_____
Alex
Natapos na ang oras ko sa trabaho pero ito parin ako lumilipad ang isip .
Palabas na ako ng gate ng batiin ako ng guardya ni ma'am eva pero nakatutuk lang ang tingin ko dito parang nawalan ako ng boses. Kaya tinaas ko na lang ang kamay ko at winagayway at nilgpasan siya .
Hindi manlang nya ako binigyan ng pagkakataong mag paliwanag sa nangyari at binigay nya na agad ako ng second offense Isang pagkakamali na lang tanggal nako sa trabaho . Kaya kaylangan kung mag ingat .
Nakayuko akong naglalakad at makailang beses na bumuntong hininga ng malalim , ilang araw na ako dito sa maynila at ang daming nangyari , kamosta na kaya si Inay? nakakain ka sya doon ng maayos? alam kong patong na patong ang galit nya sa akin dahil sa ginawa kong paglayas ,sana mapatawad nya ako . Iniisip ko din ang mga napayapa kong Inay kong sana nandito lang sya siguro hindi ito ang buhay ko , siguro masaya kami kasama si Itay hindi ko din alam kong patay nasi itay o buhay pa wala kasing sinabi si Inay ang umampon sa akin tungkol sa tatay ko pag magtatanong ako sinabi nyang wag ko na daw hanapin ang wala na . Hindi ko din alam ang mga pangalan nila o kahit na masilayan ang mga litrato nila kung ano ba ang itsura nila kong sino ba ang kamukha ko, may lola at lolo ba ako?
" Why are you crying ? " umangat ang tingin ko at hindi naman ako makapaniwala na andito siya . Hinawakan ko naman ang mukha ko at tama nga basa ang pisnge ko, kaya pinahid ko ito gamit ang kamay ko . Ano bayan .
Kanina lang kita iniisip ngayon andito kana bakit kaya lagi itong seryuso ? hindi ko man lang nakitang ngumiti laging nakabosangot , nakataas ang kilay di kaya palaging nakahulikipkip
" m-ma'am eva bakit po kayo andito ? " tumingin naman ako sa gilid nya at nakita ang sasakyan nito at tumingin ako uli sa kanya . Ito nanaman ang puso ko hindi na naman mapakali ang ganda ng mga mata niya pero wala kang makikitang kahit na anong emosyon dito para lang itong blanko.
" answer my question why are you crying ? and stop staring " ang ganda nya talaga kahit nag susungit siya hindi ko alam pero natutuwa ako kapag kinakausap nya ako at nagsusungit siya , tapos tataasan ako ng kilay sige sasabihin kona ang sexy nya kapag ganon siya . Kaya di ko ma iwasan ngumiti , ngiti na totoo . Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito pero agad din bumalik sa dati na blanko .
" Alex " isang salita lang yun pero grabi ang ganda sa pandinig ko para syang musika .
alam nya ang pangalan ko ?
" aray " hinawakan ko naman ang noo ko na pinitik nya . Nakangunot noo akong tumingin sa dito
" hala ma'am bakit ? "
" I'm talking to you lady like I said stop staring . " Inikotan ako ng mata pagkatapos .
" Hehe sorry ma'am ano po ulit yung tanong? " huminga ito ng malalim at pumikit at tinignan ako .
" nothing " yun lang at tumalikod na ito at agad na pumunta sa kotse nya . Hala iiwan nya ako?
Nakapasok na sya sa kotse niya pero hindi parin ito umaalis kaya nakita ko naman na bumababa yung salamin ng kotse nya at inilabas ang ulo nya at tumingin sa akin .
" what? aalis ka dyan at sasakay dito o gusto mo pang kaladkarin pa kita ? " galit na si eva na dragon sa akin . Kaya sumakay na ako bago pa ma bugahan ng apoy pumasok na ako at na upo sa likod .
Tumingin naman siya sa akin na kakamatay .
" set here wag mo akong gawing driver . remember ? I'm your boss " ma awtoridad nitong sabi kaya dali dali naman akong bumaba at lumipat sa unahan .
Hindi ma impinta ang mukha nyang tumingin sa akin .
" Patawad po " at agad na yumuko .
" fasten your seatbelt " seatbelt ? nakita ko naman na may nakakabit sa dibdib ito na kulay itim pa baba , kaya tinignan ko naman ang upoan ko hinawakan ko naman ito at sinbukang ikabit pero hindi ko magawa . Parang ang liit naman nito para sa akin .
Tumingin naman ako kay ma'am eva bigla na lang syang lumapit sakin kayh na bigla ako .
"relax" Isang salitan lang yung pero parang ang gandang pakinggan .
Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din sya sakin.
Hala bakit uminit ?
Nagulat naman ako ng bigla na lang umandar nyung sasakyan kaya napakapit ako sa upuan ko .
" t-teka ma'am w-wag nyu pong masyasong bilisan na k-katakot " jusko po panginoon ayaw ko pang mamatay.
Nakapikit ako kaya rinig na rinig ko yung kaba sa dibdib ko parang anytime sasabog ito .
Nang maramdaman kung huminto na yung sasakyan minulat ko yung mata ko at agad na tumingin sa kanya.
" Saan yung address mo? " nabigla naman ko ng tanongin nya yun ? Nilobot ko naman ang mata kosa labas ng sasakyan.
Hala nasa high way na kami?
" ma'am? bakit po? "
" ihahatid kita " walang gana nyang sagot .
" naku ma'am wag ma po nakakahiya " napakamot tuloy ako nakakahiya naman talaga na ang isang katulong ihahatid ng boss nya .
" dont be. Saa?" seryuso ba si ma'am? tinignan ko lang sya na parang di makapaniwala. Tinaasan nya lang ako ng kilay .
" ma'am okay lang po talaga wag na po okay na po ako dito baba na lang po ako " baba na sana ako ng di ako makaalis . Ayy yung harang sa katawan kl . Pano bato matanggal ? Ito lang yun nakinana eh .
" J-jusko po " bigla na lang umandar ng mabilis yung sasakyan .
" o-opo na po sasbihin ko na wag nyu lang bilisan yung takbo ayaw ko pang mamatay " gusto kung umiyak nakakatakot sobra .
" sa-sa Payak street ***123 po " napapikit padin ako yubg kaba ko halos dumuble .
Bigla ako napamulat ng huminto kami andito nako.
Sinubukan ko uli tanggalin yung harang nagtagumpay naman ako .
" sa-salamt po ma'am " at agad na lumabas ng sasakyan . Naginginig pako lumakad papunta sa bahay namin . Hindi kona tinignan si ma'am eva natatakot nakung sumakay doon . Para syang impyerno sakin .