Kanya kanya na kaming uwi pag dating namin sa school, timing lang na naroon narin ang aming mga sundo, si Manong parin ang ang sumondo sa akin, gusto ko sanang itanong kong nasaan si Daddy pero pinili ko nalang manahimik.
Pag dating ko sa bahay ay ganun nalang ang panibugho ko ng maabutan ko sa sala ang dalawang tao na busy sa isat isa, ang babae ay halos naka buhad na ang kanyang napaka sexy na damit. biglang nangatal ang aking mga tuhod, pakiramdam ko mabubuwal ako, nasa tarangkahan palang ako ng makita ko sila sa sofa.
lumunok muna ako bago dahan dahan na nag lakad para maka akyat sa taas, hindi na ako naligo, nag hilamos lang ako at toothbrush saka nag palit ng damit, nag pantalon lang ako at t-shirt, dala ko ang luma kong sling bag na nabili namin nila mama noon sa Divisoria nag lagay ako ng extra na damit, may kalakihan naman itong bag kasi ginamit ko ito noon nag aaral palang ako sa Elementary. pagbaba ko ay wala na sila roon, baka pumasok na sa kwarto ni Daddy, duh1 as if i care. ani ko sa sarili at lumabas ng bahay, nag tanong pa ang mga security kong saan ako pupunta, sinabi ko lang na may bibilhin sa convenience store, mabuti nalang at hindi na nag usisa sa dala kong bag. pag labas ko sa main gate ng subdivision ay pumara na ako ng taxi, mabuti nalang at mag dumaang taxi g makalabas ako.
"Convenience store po sa malapit lang". sinigurado ko talagang marinig ng guard doon ang aking sinabi sa Taxi driver,.
Ng marating ko ang convenience storeay bumili lang ako ng Mochi saka soda at sumakay nag lakad kunti saka pumara na naman ako ng Taxi.
"saan tayo eneng"? tanong ng driver.
"Sa Quiapo ho manong". ani'ko. maaga pa naman at hindin pa ganoon ka dilim dahil alas singko palang ng hapon, pumasok muna ako sa loob ng simbahan at nag dasal, matapos ay nag lakad lakad ako sa Quipao, nag tikim tikim ng mga paninda roong mga pagkain, hanggang sa namataan ko ang iskinita na may nakahelirang nag titinda ng mga Bbq kaya biglang lumiwanag ang aking mukha, patakbo ko itong tinungo, nag order agad ako ng mga paborito kong bbq saka umopo sa isang tabi na may lamesa na sinadya ng mga tindera na ilagay doon para sa kanilang mga customer. nag order rin ako ng kanin at soft drinks.
habang kumakain ako ay bigla tunog ng aking cellphone, nakita ko sa caller id ang pangalan ni Daddy, hindi ko ito sinagot at dagling pinatay ang aking cellphone, tinurn-off ko ito para hindi na siya maka tawag pa muli. nanatili pa ako ng ilang oras sa bq-han bago nag lakad lakad, hanggang sa napadpad ako sa makati, doon na ako magpalipas muna ng gabi, nag check in ako sa isang hotel, mabuti nalang at hindi na nag hanap pa ng id ang ang receptionist ng sinabi kong wala akong dalang id, mabuti nga at pina check in ako nito. at mabuti rin na naka pag withdraw ako kanina sa convenience store, may ATM machine roon kay doon narin ako nag withdraw.
Agad akong naligo pagka aktay ko sa aking room, hindi agad ako naka tulog, hanggang nagyon ay naka switch off parin ang cellphone ko, wala akong balak na buksan ito, hindi rin ako papasok bukas, bahala na , wala naman exam saka quiz bukas. babalikan ko nalang yong bahay nong mga bata kahapon, alam ko naman na kung saan sila nakatira, malapit lag doon sa park. napaka himbing ng aking tulog, walang istorbo, hindi na ako nag abala pang mag damit, hindi pala ako naka dala ng daster, tanging kumot lang ang nakatakip sa aking buong katawan. dinoble ko rin ang pag lock ng pinto.
kinabukasan matapos kong makapag umagahan ay naligo na ako at nag gayak para maka alis na, medyo malayo layo pa ang aking pupuntahan, nas Quezon Ave. tapos nandito ako sa Makati. sumakay muna ako ng Taxi at nagpahatid sa Pedro Hill saka ako sumakay sa MRT papuntang Queszon Ave. pumasok muna ako sa fisher mall saka nag grocery, binilhan ko rin ng mga damit ang mga bata, bumili rin ang ng mga sapin nila sa paa, bumili ako ng ilang foam at unan, dalawang lata ng mari biscuit mga noodles at delata, binilhan ko rin sila ng kaldero at kalaha mga sandok plato at baso, ang ibang mga namimili ay napapatingin sa akin, lalao na sa laman ng aking cart, kung titingnan ay para akong bagong nag asawa at lahat ng mga pinamili ko ay pang bagong tipon na mag asawa. ng palabas na ako ay doon ko lang naisip na paano ko ito dadalhin sa bahay nong mga bata, ang dami kong dala, kailangan ko yata mag arkela ng jeep, kaya naki usap ako sa bagger na nag assist sa aking palabas na hanapan ako ng jeep na walang pasahero at papakyawin ko, mailagay ko lang lahat ng aking pinamili.
"bagong lipat bahay kaba neng"? bungad agad sakin ng driver ng maka pwesto ako sa passenger seat.
"Hmn, hindi po manong, para po ito sa kakilala ko po". ani ko, mabuti nalang hindi na nag usisa pa ang driver at hinatid ako sa address na binigay ko rito.
Pag dating sa naturang lugar ay naroon iyong bata nag lalaro sa may kanto, himala ata at hindi namalimos ang mga ito, seguro ay dahil sa dala naming grocery kahapon, marami rami rin iyon. saka may dalawang sako rin silang bigas, kaya hindi na kailangan pang mamalimos ng mga bata.
"Ate Gandaaaa", sigaw ng apat na magkakapatid ng makita ako ng mga ito pagkababa ko sa jeep kaya napangiti ako.
nagtakbuhan pa ang mga ito palapit sa akin at yumakap.
"Dali, tulongan niyo ang ate". ani ko sa mga ito.
"Bikoy tawagin mo sila mama at papa dali". ani ng panganay nila. agad naman nag tatakbo ang inutusan nitong si Bikoy papasok sa eskinita.
hindi o muna pinababa sa driver ang mga dala, hinintay kong makarating dito ang mga magulang ng mga bata, kalaunan nga ay dumating ang mga ito na humahangos rin na may malaking ngiti sa mga labi, lalo na ang nanay ng mga ito, tuwang tuwa ng makita ako.
"Ma'am kayo po pala". ani'to.
"Para po sainyo ate mga dala ko po". ani kong naka ngiti rin.
"Talaga Ma'am?" ani'tong maluha luha, hindi makapaniwala sa mga nasa kanyang harapan, isang jeep ba naman ang dala ko.
"Magpatulong po tayo sa mga kapitbahay niyo ate, ako na po bahala mag bayad sa labor nila.ani ko na ikinatango nilang mag asawa. tumulong narin ako sa pag bitbit ng ibang mga dala ko, nakasunod lamang ako sa kanila, pati ang driver ay tumulong rin, ang tatlong bata ang nag bantay sa jeep kasama si Bikoy, ang pangalawa sa panganay., dalawang hakutan lamang dahil maraming tumulong na mag hakot ng aking mga pinamili. bago ako umalis ay kinausap ko ang mag asawa na ipagawa namin ng aking mga kaibigan ang kanilang bahay para may maayos na silang tulogan at hindi na sila mababasa tuwing umuulan, nakaka awa ang bata.
"Maraming salamat po talaga Ma'am kung hindi dahil sa tulong ninyo ay baka nasa kalsada na naman itong mga bata at namalimos ng hindi ko alam.". maluha luhang pasasalamat ni ate Beng, ang mama ng mga bata.
"Huwag po kayong mag alala ate, tutulong po ako, kami ng mga kaibigan ko sa abot ng aming makakaya". ani ko, hindi narin ako nag tagal pa, binigyan ko rin sila ng cash bago ako nagpa alam. hinatid nila ako sa may kanto at hinintay na maka sakay bago sila bumalik sa kanilang barong barong na tahanan.