Chapter11

2071 Words
Matapos ang isang linggong pamamahinga ay pumasok na sa paaralan si Fritz, hiatid ito ng mga kinilalang mga magulang, halos lahat ng mga estudyante ay napapalingon at tingin sa mga ito tuwing dadaan, nakakaagaw pansin kasi ang Aura ni Donya Francisca, nakakaintimidate ang aura nito at pananamit, pati narin ang Don sa suot nitong hindi rin basta basta, kahitmainit sa Pilipinas ay naka coat itong itim na mahaba, may sombrero sa ulo na karaniwang sinosuot ng mga mafia, maitim na sunglasses, habang si Dean ay naka formal attire, CEO look, ika nga. Hinatid muna ng mga ito si Fritz sa mismong class room nito bago nag tungo ang tatlo sa Opisina ng Principal, napalunok pa itong makilala ang mga dumating. "Expel everyone involved in bullying my daughter in this school, we almost lost our daughter because of those ill-mannered kids, nagka blood clot at hirap sa pagtulog, hindi ko mapapalampas ang ginawa nila,". gali na turan ng Donya, napapahid naman ng noo ang Principal saka tumango, tinawag ang mga esudyanteng sangkot, binigyan ng tig isang letter para ibigy sa mga magulang nito, walang nagawa ang mga estudyant kaya umowing bigo ang mga ito, may umiiyak, namroblema kung saang university makapag aral Or may tatanggap pa sakanilang paaralan. bago umowi ang mga ito dinaanang muli ang classroom nila Fritz para makapag paalam sana ngunit biglang nakaramdam ng pagkahilo si Fritz at malabong paningin, kaya mas pinili nalang ng mga itona isama para madala agad sa Hospital, agad naman pumayag ang Guro nito na saksi sa kamuntikan na nitong pagka tumba, napasigaw pa ng wala sa Oras ang kanilang guro at ibang mga ka klase nito ng dumaan sa harap si Fritz at kamuntik na ngang matumba, buti nalang at naka alalay ang guro nito at agad na nasalo. "Pag dating sa Hospital ay agad itong sinuri, sinabi rin ng Dr. na kailangan na nitong palitan ang sinusuot nitong contak lense dahil lumalaki narin ang grado ng mga mata nito, dahil nga sa tagal narin nitong suot iyon. nasa labas lamang nag hintay sila Dean at kanyang mga magulang, kaya ipinaliwanag ng Dr. sa mga ito ang kanyang pagsusuri. "Cotact lense,?" gulat na sambit ng Tatlo. "Yes Mr. and Mrs. Zigller, she's wearing a Contact lense for a long time, may deperinsya ang mgamata ng anak ninyo mula pa pagka bata, hindi niyo ba alam ito,"? nag tatakang tanong ng Dr. "No, she's our Adopted daughter, she came to us when she was Seven,". si Dean na ang sumagot. Agad agad ay pinapalitan ang contact lense ni Fritz, as usual ay itim parin ang pinili nitong kulay, nagulat pa ang Dr. ng makita nitong ang totoong kulay ng mga mata ni Fritz, ng tanggalin nito ang contact lense. matapos mapalitan ang contact lense ni Fritz ay agad itong lumabas sa clinic ng Ophthalmologist na nasa loob lang rin ng Hospital. "How are you Baby,"? panabay na tanong ng mag ina kay Fritz. "Ayos na po Mom, malinaw na po paningin ko," ani Fritz, naka tingin ito sa Donya, hindi manlang binalingan ng tingin si Dean. "Why didn't you tell us that you've been wearing contact lenses since you were a child?" tanong g Donya. "Nahihiya po ako Mom,". nakayukong tugon ni Fritz. "Let's go home, you need to rest,". anang Don, na sinangayunan naman ng Donya. makalipas ang Tatlong araw ay bumalik sila Fritz sa Hospital para sa follow up check up nito sa ulo. "Mabuti nalang at surface clot lang ang natamo ni Fritz at dahan dahang natutunaw ang blood clot nito, nagpa receta ang Donya ng blood thinner sa isang espesyalista para agad na gumaling ang Anak, kaya mas madali ang pag galing nito. "We miss you Fritz, mabuti nalang at nakabalik kana sa pag aaral,". anang Faye sa kaibigan. "Oo nga, na miss ka namin, halos mag isang buwan karin hindi pumasok, mga bwesit talaga mga tao na yon, walang magawa sa buhay, agad nagpapauto,". komento rin ni Grazhel. "Hayaan nalang natin, nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa pa, manalangin nalang tayo na hindi na ito mauulit at wala ng mga estudyanteng kagaya nila,". mahinahong tugon ni Fritz sa mga kaibigan nito. "Ambait mo talaga, pwede kanang umakyat sa langit,". Ani Chleo na agad rin naka tanggap ng batok sa mga kaibigan. "Amputz ka talaga Clang, hindi mo ba iniisip mga sinasabi mo?, alam mo bang hindi maganda ang ibig sabihin niyan?. si Faye na kinakabahan sa sinabi ng kaibigang si Chleo, hindi kasi maganda ang mga ganyang biro, naalala nito noon ang sinabi ng kapitbahay nila sa Probensya noong namigay ng mga gulay ang kanyang nana Irish, tapos sinabi ng kapitbahay nila na "Pwede kanang pumunta ng langit kasi ang bait mo" at iyon nga pagka lipas ngilang araw namatay ang kanyang nana Irish dahil sa pagsagip sa kanya. "Huh! wala naman akong sinabing masama ah, sinabi ko lang na pwede ng umakyat sa La". hindi na tapos pa ni Chleo ang sasabihin sana ng paslakan ng kaibigang si Grazhel ang bunganga nito ng nilukot na papel. "Ang ingay mo talaga Chleopatra" anang Grazhel na natatawa dahil sa pagbiglang pasubo nito ng nilukot na papel sa kaibigan. "Pwede namang teytey ang ipasubo ah, bakit naman nilukot na papel?". pagbibiro pa nito kaya natawa nalang rin silang magkaibigan, mahina lang naman ang pagkasabi ni Chleo, sila lang rin Apat ang nakarinig. nahinto lang ang mga ito sa tawanan ng dumating ang kanilang guro. matapos nilang mag good morning ay binati ng kanilang Guro ang muling pagbabalik ni Fritz sa mahabang pamamahinga. ----- Matuling lumipas ang mga Araw, Linggo, at Buwan, ngayon ay naghahanda na ang mga mag-aaral sa pagpapapirma ng kanilang mga Index Card, sasususnod na Taon ay mag Fourth Year high School na sila. matapos ang pagpapapirma ay kanya kanya na silang umowi. pagdating ni Fritz sa kanila ay napakatahimik ng kanilang Mansyon, wala ang kanyang Daddy dahil nasa ibang Bansa ito at may inasikasong mga negosyo ng Pamilya. umakyak muna ito sa sariling silid para makapag palit ng damit, bago bumabang muli at tinungo ang kusina, ngunit laking gulat nito ng mabungaran ang Ginang na may hinahalo sa lutoan. "Mommy!", agad na sigaw ni Fritz ng makita ito sa bungad ng kusina. "Princess, glad you're home, I'm cooking your Favorite food". anang Francessca sa anak. "Hmn!, ang bango Mommy", anang Fritz habang nakayakap sa bewang ng Ginang na masayang naghahalong Porridge, malagkit na bigas na may pinatutong na monggo saka gata, mula ng matikman ito noon ni Fritz noong una pagkikita nila ng Ginang ay naging paborito narin nito iyon, kaya mula noon ay laging nagluluto ang Ginang kapag nasa Pilipinas ito para sa kanya. "Wow!, ang saya nang mag-ina ko ah, baka naman pwedeng makisali sa lambingan niyo?". dinig nila Fritz ang Francessca. nakita ng mga ito ang Don naka tayo sa mahabang lamesa, naka tukod pa ang mga kamay nito. natawa naman ang dalawang babae na magkayakap sa harap ng gas range saka ito nilingon ng dalawa. "Oo naman, Honey, halika dito at ikaw naman ang maghahalo nitong niluluto kong Meryenda natin." masayang sambit ni Francessca sa asawa. agad na lumapit ang Don at kinuha mula sa kamay ng asawa ang sandok at ito ang nagpatuloy sa paghahalo ng niluto nilang Porridge. Namayani ang katahimikan sa kusina, makalipas ang ilang minuto ay hindi napigilan ni Fritz na sabihin sa kanyang itinuring na ina ang gusto nitong sabihin. "Ahmn, Mommy", agaw pansinnito sa ginang na may malawak na ngiting nakaplaster sa labi habang nakatiig sa likod ng asawa nitong nasa harap ng lutoan. "Yes, Princess". agad na sagot ng Ginang saka hinaplos haplos ang buhok ng dalagang si Fritz. "Mom, Gusto ko sanang mag bakasyon sa Gensan, kung Okay lang po sainyo nila Daddy, nami miss ko na kasi sila Mama Grace at Papang pati mga kapatid ko, babalik rin apo ako agad mga dalawang Linggo lang po sana.", nahihiya at nakayukong pag papaalam ni Fritz sa Ginang. "Abay Oo naman Princess, walang problema sa akin, alam kong nami miss muna ang lugar kung saan ka isinilang at nagka isip". anang Francessca. "How about Daddy?" ani Fritz saka napatingin sa kanilang harapan at itinuro ito ang Don. "Honey, our princess wants to go home to GenSan for a vacation." si Francessca ng lumingon ang Asawa nito. "No problem for me, I’ll support her for the sake of her happiness. And if she wants, we can even take her there, we can also pick out some gifts for her siblings and parents, i heared there's a lot of beaches there, they called it little Boracay, and the place is not crowded and good for relaxation." anang Don. "Wow, it's settled then,". masayang tugon naman ng Donya. Nang hapon ding iyon ay agad na nag shopping sila Fritz kasama ang mga magulang, namili ng mga dadalhin nilang pasalubong para sa kanyang pamilya sa Gensan, makalipas ang isang Linggo, sakay ng Private Jet ay tinungo nila ang Gensan, dumertso muna ang mga to sa Green Leaf hotel, napakalaking Hotel. isa ang Green Leaf Hotel ang pinakamalaki at magandang Hotel ng Gensan na kaharap lang rin ng napakalaking SM mall og Gensan, malaki rin naman ang Royal Hotel, ngunit mas nagustuhan ng Donya ang Green Leaf Hotel. nagpalipas lang ng ilang Oras ang mga ito saka naman nila tinungo ang lugar kung saan naroon ang bahay nila Fritz. sakay ng Van na pag aari ng naturang hotel ay tinungo nila ang San Juan. Namangha pa ang mag asawa ng makita nila ang lugar, dikit dikit ang mga bahay, may malawak na basketball court may mga nag titinda sa gilid ng mga BBQ, mga taong nagsisigawan dahil sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball. Saka lang sila nakaderitso ng mag Pito ang referee para padaanin ang van na sinasakyan nila, ang mga tao naman ay tutok na tutok sa Van, huminto lang ito sa tapat ng tindahan ng tiyahin ni Fritz, sa unahan ng court, lahat ng mga nakatiraa doon ay purng mga kamag anakan nila Fritz sa side ng kanyang Mama Grace. Agad na bumaba si Fritz ng buksan ng driver ang pinto. "Tessa! agad na sigaw ni Fritz ng makita ang pinsan na nakatingin rin sa kanya, hindi nito akalain na makikitang muli ang pinaka matalik na pinsan, mahigit isang Dekada rin silang hindi nag kita, ang laki na ng pinagbago ng mga katawan nilang dalawa, ang nooy patpatin na si Tessa ay nagka laman na ngayon, mahulma narin ang pangangatawan nito, ngunit maaninag ang lungkot sa mga matang pilit na itinatago sa nakakrami. "Ateee,". sigaw ni Tessa ng makahuma, hindi ito makapaniwala na makikita ulit si Fritz, sa hinaba haba ng panahon, nag yakapan ang dalawa at parihas na naluha. ang ga kapitbahay naman na saksi sa pag dating ni Fritz ay agad na tinawag ang mga magulang at kapatid nito, agad na ibinalita ang pag dating ni Fritz. "Anak, umowi ka,". anang Grace sa anak, naluluha sa saya at galak. "Mamang Grace," si Fritz sabay yakap sa ina, lumuluha rin, subrang namiss ang isat isa. "Teka, naka Van ka pa, nirentahan mo ba iyan? marami ka bang dala anak,?" "Hindi po Mang, kasama ko sila Mommy Francessca at Daddy,. anang Fritz. agad na nanlaki ang mga mata ni Grace, napatingin pa ito sa nakasaradong Van, kasama ng anak niya ang mga amo nilang hindi basta basta at ordinaryong tao lang, hindi nito inakala na ang mga taong kinatatakutan sa ibang bansa ay narito ngayon sa kanilang lugar. Agad namang bumukas ang Pinto ng Van., malawak na ngiti ng Donya ang bumungad kay Grace. "Donya Francessca," nakayukong pag bati ni Grace sa Donya. sempli lamang ang sout ng Donya, naka T-shirt lang ito at sqare pants, sandalyas na may letrang "H" ang hugist ng desenyo sa gitna, sempling damit ngunit may mga tatak na hindi basta basta ang presyo. "Agad na tinungo ng mga ito ang kanilang bahay, mabuti nalang at napaayos ng mga ito ang kanilang bahay, may unti na silang kusina at tatlong silid, agad na nag luto ng pang hapunan si Grace, anagtulong tulong naman ang mga anak na buhatin ang mga pasalubong para sa kanila, si Fritz at Tessaay hindi na naghiwalay pa, magka hawak ang mga kamay naka upo sa munting sala nila Fritz katabi ang Donya. nag usap naman ang Don at tatay ni Fritz ng masinsinan, lalaki sa lalaki, may importanting bagay na tinanong ang Don batay sa pagkatao ni Fritz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD