VALENTINA'S POV "A-ARAY ko..." sabi ko nang magkamalay ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Bakit parang ang sakit-sakit ng ulo ko? Umupo ako at medyo nagulat pa ako nang makita ko sa kabilang upuan si Suzuki at Antonn. "Anong nangyari? Hindi ba at kinidnap ako ni Duxs tapos dinala niya ako sa bahay niya, tapos... Tapos..." Hindi ko na alam ang aking sasabihin dahil wala na akong matandaan sa kasunod na nangyari matapos iyon. "Tapos, sinaksakan ni Duxs Dakota ng sangkaterbang s*x drugs!" si Antonn na ang nagpatuloy. "Makikipag-chukchakan ka na sana sa kanya pero mabuti na lang at nailigtas ka ni Suzuki. At nang dalhin ka niya dito ay siya naman ang inakit mo kaya nasuntok ka ni Suzuki!" Maang akong napatingin kay Suzuki. "Sinuntok mo ako?" "Oo, Valentina..." nahihiya niyang sagot. "Eh, kas

