Ika-siyam na Sulyap "Oh gosh! You won't believe it girls! Bukas na yung CEE? Paano pa ko makakatulog nito? Kailangan kong makapasa." Bungad ni Paulo sa'min. May hawak siyang food tray saka niya iyon nilapag sa lamesa. Nasa cafeteria kami at wala yata akong balak kumain. Hindi ko alam. Tulog yata yung mga bulate sa tiyan ko. Kaya wala akong gana. "Ipikit mo yung mata mo. Makakatulog ka non. For sure. Isa p, believe it or not kailangan nating i-take 'yon." Sabi pa ni Jennifer. Umirap ako. Ang korni. Halos dalawang linggo na rin kaming nagre-review. Matapos kasi yung last overnight nila, yung time na napagalitan si Kuya Cabi dahil ipinahamak ko siya. Hindi na kami nag-stop mag-review non. Kahit naman papano tinotoo ko yung sinabi kong I'll help them. Pasalamat sila nasa mood ako pagdating s

