“SIR ALAS, Jenie? Ma–May relasyon kayong dalawa?” gagad na sambit ni Manang Helen, kaya nagkatinginan kami ni Alas. At hinawakan ko ang kamay niya. “Nagkakaunawaan na kami ni Jenie, Manang. At nasa inyo naman ‘yan kung sasabihin n’yo kina mama’t papa ang nakita n’yo ngayon,” saad ni Alas. “Pero therapist mo lang siya, Sir Alas. At malaking gulo itong pinasukan n’yong dalawa, lalo ka na, Sir Alas,” panenermon nito. “Alam ko kung anong pinasukan ko, Manang. At para sa akin ay hindi ito gulo. Mahal ko si Jenie, at noon pa man ay magkakilala na kami bago ko pa siya naging therapist. At hindi namin kasalanan na mahulog ang damdamin namin sa isa’t isa,” depensa niya, subalit umiling si Manang Helen. “Hindi nga ako nagkamali na may lihim kayong relasyon. Pero hindi ako magsusumbong, at ‘di

