“Damahin mo ang sandata ko para tumigas na dahil ikaw ang dahilan kung ba’t pati ito’y ayaw tumígas, ” gagad ni Alas, kaya naman napalunok ako dahil lalo niyang idiniin ang kamay ko sa malambot niyang pagkalalakí.
“Hi–Hindi titigas ang isang bagay kung pipilitin, Sir. Parang ice cube rin na may proseso, kaya relax ka lang,” mahinang sambit ko’t binitawan ko ang sandata niya.
“Sinabi ko bang bitawan mo, ha?” inis niya.
“Bihisan muna kita, Sir bago ko hawakan ‘yan. Dahil mabibihisan ba kita kung ganito ang hitsura mo? Gusto mo pa naman ay magdamag kong dakmahin ‘yan para hindi mo na ‘ko sisihin,” segunda ko.
“Tsk!” asik niya’t matiim siyang tumingin sa akin.
Nginitihan ko na lang siya’t binihisan ko na s’ya. At nilakasan ko na lang ang loob ko, dahil ang totoo’y kinakabahan ako.
Pa’no ba naman kasi ay nakatitig siya sa akin. Hindi ko rin tinitingnan ang kanyang ano. Basta’t diretso lang ako ng tingin.
“Tapos na, Sir. Gusto mo bang lumabas at doon kita masahein nang pagpawisan ka,” saad ko, ngunit hindi siya sumagot.
Itinulak ko na ang wheelchair niya at lumabas kami sa balkonahe dahil presko ang hangin dito.
“May gusto ka bang kainin, Sir Alas?” tanong ko pa sa kanya.
“Ikaw ang gusto kong kainin,” muling gagad niya, sabay lingon sa akin.
“Hindi naman ako pagkain, Sir,” segunda ko.
“But I ate your púss—shít!” naiinis na saad niya’t hindi ko alam kung matatawa ako sa ikinikilos niya.
Tumayo naman ako’t tinungo ko ang kusina dahil nauuhaw ako.
Pinakilaman ko na ang refrigerator nila rito at maraming laman. Naalala ko tuloy ang anak ko. Dahil kahit dalaga na siya’y iniisip ko pa rin kung kumain na ba siya?
Baka pumasok na ‘yon. At tawagan ko na lang siya mamaya para makausap ko siya.
At tinig lang ng anak ko’y mawawala na ang pagod ko sa trabaho.
Kaunting tiis na lang at matatapos na si Carla, kaya pagti–tiyagaan kong pag–aralin siya sa abot ng aking makakaya. Kahit pulos utang na lang ako..
“Ms. Ortega!” narinig kong tawag sa akin ni Alas, kaya binilisan kong uminom, at bumalik sa balkonahe.
“Yes, Sir,” sagot ko. Pinunasan ko pa ang bibig ko dahil may tubig pa ito.
“Iinom ka lang, ang tagal–tagal mo pa,” inis na naman niya. At hindi talaga siya marunong ngumiti.
“Baka kasi mabulunan ako, Sir, kaya dahan–dahan lang pag–inom ko,”ngiti na pahayag ko.
“Umupo ka nga sa harap ko. And fill me in kung malaki ba offer ng magulang ko para alagaan ang isang tulad ko, ha?” matigas na tanong niya.
Bumuntong–hininga ako. “Hindi binanggit ng mama’t papa mo—na gan’yang edad sa ‘yo ang aalagaan ko. Ang pagkakamali ko rin ay hindi ako nagtanong da—
“Dahil nasilaw ka agad sa laki ng in–offer nila sa ‘yo dahil mukha kang pera, at iyan ang sabihin mo,” agaw niya sa akin.
“Aaminin kung—Oo, Sir dahil ba’t pa ‘ko tatanggi? Sa Oo rin na mukha akong pera, kaya tinanggap ko agad ang offer ng magulang mo dahil may anak akong nag–aaral sa kolehiyo .
Single mother ako’t ako lang kumakayod, kaya natural na tatanggapin ko agad ang trabahong ito para sa kanya,” mariing depensa ko.
Kumunot ang noo niya. “Kaya ka pumasok sa club? Tapos no’ng binayaran na kita, hindi ka na nagpakita pa sa ‘kin.”
“Wala akong atraso sa ‘yo, Sir Alas.Kaya hindi na 'ko nagpakita pa sa 'yo. Isa pa’y karapatang kong umalis sa club dahil part time job ko lang ‘yon. At iyong ibinayad mo sa ‘kin ay pinalitan ko yon ng aliw.
Kaya hindi ko alam kung anong ipinuputók ng buchi mo samantalang ibinigay ko naman ang pangangailangan mo sa kama, 'di ba? Nasulit pa ng isang daang libong piso mo ka—”
“But fúck! Dahil hindi mo ‘ko pinatulog ng ilang gabi!” muling agaw niya, kaya naman natahimik ako. “Kasalanan ko ba kung hinahanap–hanap ko ang init ng katawan mo, ha? Kasalanan ko ba na sa lahat ng babae sa club ay sa ‘yo lang ako nahumaling?
That's why I hate you, tapos ngayon na nandito ka na naman ay guguluhin mo na naman ang nanahimik na mundo ko," dagdag pa niya dahilan upang mapalunók ako.
“A–Ano bang sinasabi mo, Sir Alas? Alam mo kung anong ipinunta ko rito, kaya—”
"But I like you, Ms. Ortega," mabilis na sambit niya, at napaawang naman ang labi ko. “Kaya hindi mo 'ko masisisi na pabalik–balik ako sa club just because of you," maawtoridad pa na wika niya.
"Pero matanda ako nang ilang taon sa 'yo, Sir Alas. At init lang 'yang—”
"I don’t mind! At kasalanan ko bang magkagusto sa mas matanda sa akin, ha? Kaya ngayon na tadhana na ang naglapit sa ating dalawa'y ayokong iwanan mo ulit ako," bagsak na boses na pahayag niya, sabay abot sa labi ko't siniil niya ako ng masarap na halik.