Chapter 24: HINANAP NI ALAS SI JENIE

1008 Words

JENIE’S POV “SASAMPALIN mo ‘ko, Mama? Sige, sampalin mo ‘ko’t lalayas ako,” mariing sambit ni Carla sa akin, kaya ibinaba ko ang kamay ko. “So–Sorry, Anak at nabigla lang—” “Sorry? Tsk! Nasaktan mo na ‘ko, Mama. Kaya nga ayaw kitang mag–stay rito dahil mas gusto kong hindi ako pinakikialaman ng kahit sino,” matigas na wika nito. At pumasok siya sa kuwarto. “Tingnan mo ang anak mong ‘yon, Jenie. Humaba na ang sungay dahil sa mga classmate niya’t napakamaldita pa,” buntong–hininga ni inay. “Pagod lang siguro si Carla, Inay. Kaya pagbigyan na muna natin ngayon,” saad ko. “Lagi mo na lang siyang pinagbibigyan. At tandaan mo na anak lang siya,” ani inay sa akin. “Alam ko po ‘yon,” tipid na sagot ko. Pero sa loob ko’y nasaktan ako sa mga sinabi ng anak ko sa akin. Alam ko naman ‘yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD