“A–Anong sabi mo, Sweetheart? Pakiulit mo nga kung anong sinabi mo dahil parang nabingi ako,” saad ni Alas, kaya hindi ko tuloy alam kung muli kong sasabihin ang nabanggit ko. “Ano na? Gusto mo bang hubaran kita rito para ulitin mo kung ano ‘yong sinabi mo, ha?” pagbabanta niya, sabay baba sa suot kong bestida. “Si–Sige, uulitin ko na,” lunok ko. “A–Ang sabi ko’y nagseselos ako dahil ang sweet n’yo ni Regine kanina,” pahayag ko’t ang lakas tuloy ng tibók ng puso ko. “Really? Nagseselos ka?” hindi makapaniwalang sambit niya. “O–Oo,” nahihiyang sagot ko dahilan upang matamis siyang ngumiti sa akin. “Is that true?” seryosong tanong niya na sa labi ko siya nakatingin. “Sasabihin ko ba kung hindi? At kung ito talaga ang nararamdaman ko, kaya hindi ko na maita—umm,” usal ko dahil mabil

