“My ghad, Mama! Ano ba ‘yang hitsura mo? Ang sabi ko naman sa ‘yo na mag–ayos ka para hindi ka nakahihiya sa fiance ko. Look, mukha kang basahan, at ni hindi ka pa yata naligo,” gagad ni Carla sa akin dahilan upang bahagya akong lumayo. At hindi ako sumusulyap kay Alas. “Pa–Pasensya ka na, Anak dahil nagluluto ako sa kusina. Akala ko kasi na mamaya pa kayo darating na dalawa, kaya hindi pa ako nakapag–ayos,” depensa ko. At pakiramdam ko’y lulubog ako sa aking kinatatayuhan dahil kahit hindi ako tumitingin kay Alas ay alam kong nakatingin siya sa akin, kaya nanginginig ang buong katawan ko. “Ma, sana sa restaurant ka na lang naghanda, hindi rito. Dumiretso kami ng fiance ko rito para sana sabay–sabay tayong aalis, kaso ito naman ang nangyari. At may pa–videoke ka pa na akala mo naman ay

